Hi mommy! Nanganak ako last Feb 13 (40weeks via LMP, 37 weeks via UTZ). Sumakit lang bigla puson at tyan ko nung feb 12 ng gabi pasulpot sulpot lang sya. Feb 13 madaling araw, bigla ulit sumakit tyan at puson ko tas patindi na ng patindi 10-15 mins interval ng sakit. 6am naglakad lakad kami ng nanay ko ng mga 30-40 mins tas nagsleep muna ko. Mga 8am nagising ako may brown discharge sa undies ko, 9am we decided na magpunta ng hospital para ipacheck up sana pero inadmit na ko agad kasi 2cm dilated na ko. Hanggang 9:20pm lumabas na baby ko. Kinausap ko lang si baby ko na labas na sya kung lalabas na sya saka wag pahirapan ang mommy nya then pray lang din ng pray. Goodluck sayo mommy! Kausapin mo lang din si baby mo :) PS : madalas ako nakahiga nung buntis ako kasi feeling ko palagi pagod ako at gusto ko nakalapat tyan ko sa unan, pero pag may mga inaayos ako or may binibili sa labas lakad ako ng lakad. Wala ako kinakain na kahit ano, nilalagay sa pempem or iniinom na pampahilab. Pag gusto na din siguro lumabas ni baby, lalabas na sya.
Mary Joy Laraza Lara