Water for baby

Hi, mga ilang weeks po pwede pa inumin c baby ng water? Thanks

74 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

BAKIT BA BAWAL PAINUMIN NG TUBIG ANG SANGGOL 0-6M? Marami po sa atin, ang nagtatanong kung ligtas ba, at kailan ba pwedeng painumin si baby ng tubig. Lalo na ngayong tag init. Ngayong gabi ay bibigyan po natin ng linaw ang paksang ito. Ayon po sa World Health Organization at Department of Health, hindi maaring bigyan ng tubig ang mga sanggol na ANIM NA BUWAN PABABA. Napakadelikado po ng pagpapainom ng tubig sa mga sanggol na wala pang anim na buwan dahil ito ay nagiging dahilan ng WATER INTOXICATION OR POISONING. Ano ba ang Water Intoxication? Ito ay kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan ni baby ang tubig (Hyponatremia*). Ang mga sintomas at epekto nito ay: - Pagsusuka - Pagiging iritable - Pagkahilo - Sobrang ihi (6-8 basang diapers) - Pamamawis - Hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan. - Epileptic Seizures - Pagkamatay Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinaaalala satin sa mga ospital at ng mga ahensyang pangkalusugan na bawal po ang tubig sa mga sanggol na anim na buwan pababa. Napakarami sa atin, na nadadala sa sinasabi ng matatanda na kailangan painumin ng tubig ang mga sanggol lalo na daw kung may sakit o kapag mainit. MALI PO ITO. Kung ikaw ay nagpapasuso, ang breastmilk ay 88% water. Kaya hindi na kailangan ng karagdagang tubig ni baby. Sa panahon ng tag init, ang gatas natin ay nagbabago ayon sa panahon at pangangailangan ni baby. Mas nagiging malabnaw ang gatas natin upang maiwasan ang dehydration. Sa mga nakaformula naman, hindi rin kailangan ng karagdagang tubig dahil ang bawat scoop ay may katumbas na tamang sukat ng tubig. Mga inay, huwag po tayong matempt na magbigay ng tubig. Wag po nating isugal ang kalusugan ni baby dahil lang sa utos ng mga taong nakapaligid sa atin. HUWAG po tayong magmadali na painumin sila ng tubig dahil buong buhay po nila, iinom naman sila ng tubig. Mainam na maghintay po tayo. Ingatan po natin ang ating kalusugan lalo na ng ating supling. Salamat po at mabuhay kayo mga inays!... PLS read. The American Academy of Pediatrics, the World Health Organization, and numerous other credible organizations strongly recommend only breastmilk for at least the first six months. The World Health Organization specifically mentions "Not even water" may be given to infants. Formula is only an acceptable alternative to breastmilk when breastfeeding is actually impossible. http://www.who.int/features/qa/breastfeeding/en/ http://www.who.int/nutrition/topics/infantfeeding_recommendation/en/ http://www.who.int/features/qa/21/en/ http://www.babycenter.com/404_when-can-babies-drink-water_1… http://www.britishbottledwater.org/children-and-babies.asp facts about hyponatremia http://parentingpatch.com/preventing-hyponatremia-or-water-intoxication-never-give-a-baby-extra-water/ Hyponatremia caused by excessive intake of water as a form of child abuse - https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4027093/ #Spreadeverylearning #WHO

Magbasa pa

If pure formula ka lng painumin mo si baby for the purpose lang na palambutin yung poop nya. Wag yung tipong mabubusog sya sa tubig. Pero kung breastfeed ka or mix kahit di mo na bigyan ng water. As per pedia.

VIP Member

nsa s inyo po yan kung formula milk ikaw po masusunod. kc kami nagpapainom kay baby ng water since birth kc formula milk sya habilin ng pedia nya at ng doc. s hospital pero kung bf no nid n po

Wala pang one month pinainom ko na ng tubig si baby pero pakonti konti lang... Nag-ask din muna kami sa pedia ni baby bago painumin and okay lang naman po sa pedia ni baby...

VIP Member

If pure breastfeed, 6 months pa po. Kung formula fed, pwede rin painumin ng water paminsan. Ask your baby's pedia din po

VIP Member

Pag pure na breastmilk po iniinom bawal daw po muna hanggat wala pang 6 months

VIP Member

Pwede naman painumin ng water ang baby every 2-4 hrs

VIP Member

If formula milk not exceeding 20 ML for up to 3 mos

6month po dahil pwede narin kasi cya sa solid food

VIP Member

6months po kng may ubo sipon pwde painumin tubig