Pa rant lang po

May mga ibang tao kasi na judgemental iba iba po tayo nang sitwasyon, di lahat gaya nyo na may kaya sa buhay o may agad mapag kukunan nang pera pang pa check up.. given na po na need talaga since responsibility natin yan pero may times talaga na walang wala tayo, if may mag tanong po dito respect nalang wag un mag rereply kayo nang pabalang, di naman natin alam pinag dadaanan kapwa mamshie natin... Hindi naman sila mag download nang app na to kung wala sila paki sa dinadala nla, di lang talaga lahat meron agad agad... Kainis lang kasi iba ko nababasa ko un mga comments bakit daw di pa nag papacheck up kesyo ganyan ganyan, nakaka relate kasi ako mamsh ako gusto gusto ko mag pa check up para mabigyan vits si baby kung pd lang nga araw araw kasi praning tayo mga mamsh, pero di lang talaga pinalad kapos talaga, kain na nga lang hirap na, so please lets respect each other kung di ka maka pag comment na maganda its better wag nalang mag comment nang di ka maka panakit nang feelings, di nyo po kasi alam mga pinag dadaanan sa mga likod nang mga napopost dito.. kaya nga nag download nang app na ito to seek help, advice or idea, Hays sensya mga mamsh na inis lang ako..

35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

tama... ie d sana nag isip muna sila kng kaya ba nila buhayin un dala dala nila ngaun... iba iba tau nang ktayuan sa buhay... pero sana hangat kaya aman gawan ng paraan gawan ng paraan umutang.... para pang chkup. anu un aantay nalang na may mangyari bago pa kmlos....sana bago bumukaka alam na consquences kpag nbnts ba ko kaya q ba bgay lahat ng needs nila

Magbasa pa

agree ako dyan mi.. unless nalang yung mga bastos at pa ulit2x na mga posts na halatang naghahanap lang ng attention, minsan kelangan din talagang i-real talk para matauhan eh. pero kung pagdating sa ganyan na walang pera, etc.. wag nalang sana ijudge agad. di naman natin alam ang life story nila kung bat nagkaganoon.

Magbasa pa
Post reply image

Di naman po kailangan ng pera pang check-up kung meron po sa Health Center niyo, nagbibigay din sila reseta ng need na vitamins. Lahat ng pamangkin ko puro sa Health Center lang ang check-up nung pinagbubuntis ng ate ko. Try po kayo sa Health Center niyo kung meron.

yung baby ko super unexpected namin na dumating as in di namin plinano pero kahit ganun nagsisikap kami mapacheck up lagay nyan monthly, magastos man pero madami naman alternative diba, punta ka health center libre yun makainum kamanlang ng ferrous.

last 2019 nung sumali ako dito sa apps na'to, and masasabe ko na ibang iba na mga tao na naandito ngayun kesa nuon. nuon lahat ng member dito mga kind, ngayun nakow nakakainis na, ang totoxic na. hays. dapat yung mga ganung tao i-kick na dito. 🙄

meron naman center libre checkup don may libre din ata na vitamins. pero kawawa nman anak mo nadamay pa da hirap ng buhay nyo sabi mo nga kain na nga lang hirap pa so pano pag labas ng baby mo pano mga needs nya?

baka kasi mas mapasama ka sa iba ibang suggestions dito malito kapa na alam naman natin na the best opinion ay manggagaling sa OB. Iraos mo ang check up since nagbuntis ka gnusto mo yan ...

May health center po at public hospital kung gusto mag pa check up, pipila ka nga lang at talagang mahihirapan. pag gusto may paraan, pag ayaw napakadami pong dahilan. just my two cents.

Magbasa pa

kung sarili mo nga hirap mo nang mapakain, eh anong ipapakain mo sa anak mo? kawawa ka nga pero mas kawawa ang baby na hindi naman nagdemand sayo na buoin mo. real talk lang mamsh.

Sana mie di ka nalang muna nag anak. Pang pacheckup pa nga lang wala kana pano pa paglumabas na yan? Valid namn yang feelings mo. Pero valid din po yong pagkainis nila.