32 Replies
13w4d ako nung nagpunta sa OB for last check-up. Sinubukan nya na marinig sa doppler pero hindi kinaya, mataba din kasi ako, so hindi ako nag expect. Sinabi din ng OB ko na susubukan lang kasi usually 14 weeks pataas mas reliable marinig sa doppler. Nagtitiwala ako sa OB ko kasi pangatlong baby ko na to and sya pa din OB ko. Wala pa din po kayo mararamdaman. Too early pa din at 13 weeks. Sabi nya sa akin, may possibility na dahil 3rd ko na mas maaga ko maramdaman si baby from 16 weeks onwards. Basta ang importante accdg to my OB, wala po kayong spotting whether brown or red at walang masakit na parang menstrual cramps. Try not to worry too much, mommy. 🥰🥰🥰
19 weeks ako nung start ko ma feel si baby, usually ang sabi ni OB ko around 20 - 24 weeks nararamdaman ang galaw niya (depende sa body build,daily activity ni mommy) recommend ko pa din bili kayo ng fetal doppler para marinig niyo heart beat even nasa bahay kayo kasi isa yun sa mga nakatulong sakin na mabawasan ang anxiety kakapag alala kay baby.
im at 14 weeks. hindi ko pa din po ramdam si baby, kung yung paggalaw po ang hinahanap nyong feeling. try nyo po sa iba magpa ultrasound. nag transV ako ng 6 weeks, nakita na ang heartbeat ni baby. pelvic ultrasound naman last week and nakita uli ang heartbeat tho wala po yung sound. di ko alam kung sa device nila yung walang tunog.
yes po same din Po 6weeks Po ako nagpaultrasound nakita na po heartbeat nya. pero ngayon Po 15 weeks na ko still nangangamba pa din Po ako nagaalala Po ako ngayon..🥺 Kasi Hindi ko pa sya ramdam or anything na pitik nya sa puson ko. bunebase lang Po ako sa bandang pulso ko at leeg ko 🥺🥺
nag tvs na po ako and may heartbeat na after ilang weeks ngpacheck ako sa health center, and di din nila marinig ang heartbeat ng baby ko... after 1month ngpacheck na ako sa OB (kasi kumuha na ako ng package) at 160 BPM po ang heartbeat ni baby.. so mas accurate po if mag pa TVS na po kayo
same din. 11 weeks n c baby pero nung nagpa transv ako 6 weeks p lng c baby nun and my heartbeat n dw pero since poor ung device kaya hindi ko narinig heartbeat ni baby that time. now 11 weeks n pero di ko p dn feel n preggy ako aside lng s palagi ako napapa wiwi s gabi and madaling araw
Sa heartbeat po, madedetect na yan via ultrasound. Kung doppler po ang ginamit medyo mahihirapan pa pong marinig. As per galaw or ramdam sa tyan, too early pa po. 20 weeks up po don nyo mararamdaman, sa iba po as early as 16 weeks like me pero paiba iba po.
thank you po 🙏🥺☺️🥰
masyado pa siguro maaga mommy ..kasi yung sakin .. naramdaman ko na siguro 20 weeks na .. na parang may nag buble sa tiyan ko .. din ngayon na sumisipa na siya 28 weeks na ngayon .. pa checkup ka po sa ob mommy . para mabigyan ka ng referal for ultrasound ... and pray po . slamat
maraming salamat po sa pag guide 🥺🙏☺️🥰
Masyadong pong maaga para maramdamn mo ang paggalaw nya lalo na 1st mo po. Ipadoppler mo po or bili ka ng doppler. Usually naririnig po yun HB ng 13wks sa doppler kung hnd naman po pwede nyo ipaTransV minsan ksi d tlaga marinig dahil ang nakaharap e yung likod o placenta
13W 5D na po ako at di ko pa rin naman nararamdaman si baby pero nung nagpa-checkup ako kahapon, narinig na yung HB nya sa doppler. Baka di lang po na-detect nang maayos sis o baka di pa po talaga kaya ma-detect ng doppler na gamit nila.
yes po okay na po last week Po Kasi ung appointment ko sa oby ko po and then thanks God narinig ko na po sya. 🥰🙏❤️
sa mga first time mom po kadalasan 20 weeks pa po nila nararamdaman gumagalaw c baby .. mashado pa po maaga Ang 13 weeks ,ndi pa nio mararamdaman Ang galaw at heartbeat dahil sobrang liit pa Nyan kasing laki plang cia Ng ubas ..
Jennel Conci Guijo