Ilang weeks po maririnig heartbeat

Hello po mga mommies and preggy jan ilang weeks po maririnig heartbeat ni baby sa Doppler? Kasi kanina po nagpacheck up ako sa center hindi marinig yung heartbeat ni baby 🥺 Kinakabahan po tuloy ako. Parang gusto ko po magpaTransV ulit to check if okay ba sya sa Loob 😢

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hello po! usually maririnig na po yung heart beat ni baby at 10th weeks AOG pero marami kasing factors bakit hindi agad naririnig: 1. type of doppler (baka mababa yung specs ng klaseng doppler na ginamit) 2. ability ng kumukuha (may specific area po kasi kung paglalagay ng doppler, depnde po sa weeks of gestation, for ex. yung 10th weeks sa puson, malapit po sa pubic area); 3. current position of the baby (baka di po easily accessible). As the baby grows weekly, mas ma-aappreciate mo na yan yung heart beat nia at mabilis na ring madetect. btw, im currently on my 22weeks AOG.

Magbasa pa

Hii kapreggy! ganyan din akin nung first check up ko 4 months na tummy ko di rin mahanap hb ng baby ko sa doppler. Pero dahil sa position din talaga ni baby sa tummy ko kaya pala di madetect hb nya kaya nung nag paultrasound talaga ako sa awa ng diyos okay na okay yung baby ko. :))

3y ago

And wag ka masyadong mag worry baka mapano baby mo isipin mo na okay sya sa tummy mo.

saken po rinig na heart beat as early as 12 weeks. un pwesto po ng pagcheck via doppler sa may puson malapit sa pubic hair then mejo madiin po dapat lalo kung mejo chubby po ang momi. mejo mahirap po talaga hanapin pag bago pa lang saka depende din po sa doppler na gamit.

ako 12 weeks ko narinig si baby sa doppler bumili ako sa shoppee then yung pang 3rd visit ko sa lying in may doppler sila di nila marinig haha. sabi ko sa doppler na bnili ko ang lakas ng heartbeat ng baby ko e

3y ago

nkapag pa ultrasound na po ako nung 10 weeks po okey naman po si baby tska pinarinig ko din sa lying in yung heartbeat kung ganon po at kung tama yung nrrinig namin tama naman daw maganda rin daw yung dopler nabili namin 🙂

Hi maam. 14th week ako ginitan ng doppler ni doc. Twice lang ako nakapag TVS 7th at 9th week ko. Pinabalik ako 14th week para to check and marinig daw sa doppler

may heart beat na po si baby 16 weeks pero depende lang po. ung akin ,always ko naririnig ng heartbeat ni baby,thanks God ♥️

3y ago

sabi nga po sakin kausap kausapin daw po

Sa center po minsan 5months pa sya maririnig, ganun din kasi sa 1st born ko sa center 3months hindi pa narinig

Ako po nung 12 weeks si baby di din nadetect sa Doppler. Pero nung nagpa TVS ako nadetect naman.

VIP Member

Sakin po 6weeks and 4days may heartbeat na po😊❤️

TapFluencer

Usually 13 weeks and above :)!

Related Articles