Nagsuka si baby bigla mga 4 times then nag poop ng mejo watery and nanlalambot sya and inaantok

Mga 8pm habang pinapa breastfeed ko c baby bigla syang nasuka, akala ko bka nalungad lang so inupo ko sya, Mya Mya nagsuka sya ulit, irritable na sya, after ilang minutes nagsuka sya ulit puro laway and Bula na. And then bigla sya na pa pupu ng watery. After non nag suka sya ulit pero parang puro laway nlng at Bula. Dinala na namin sa hospital Kasi parang nanglalambot na sya and inaantok, habang nag aantay kame sa hospital, napainom ko c baby ng 1oz na tubig pero sinuka nya rin. Cguro mga 30mins kame nag antay bago na sweruhan c baby. Nasa room na kme cguro ng mga 2hrs ng matanggal ung swero ni baby sa paa. Pero Hindi na nila maibalik yung swero. Buti kahit papano naka absorb na c baby ng dextrose and sumigla na sya ulit. Hindi narin sya nagsuka ng gabing Yun. Kinaumagahan sa hospital Pina inom c baby ng erceflora pero hindi na tinangkang ibalik Ang swero nya dahil Hindi naman na daw nag suka c baby and kawawa lang dahil Ang dami ng tusok. Buti the whole day Hindi na nasuka c baby. Kinuhanan c baby ng urine sample, blood sample, and stool sample which is bandang hapon na nag poop c baby, Isang beses lang pero napaka smelly and panay utot nya rin that day. Mejo watery parin Ang poop nya. Second day Namin sa hospital sabi normal naman daw Ang blood nya, ung urine konting taas lang daw sa wbc, at yung poop nya konting taas lang din ng wbc and mejo ma mucus daw. Hindi doctor nag explain samin dahil d na dumating ung doctor na nag tingin sa baby ko nung first day. Sabi daw pwede na kme umuwi Kasi nag respond naman daw ng maganda c baby sa erceflora so most probably gastroenteritis daw. Sabi ko dun sa lab tech bakit more on vomiting sya and Wala naman syang diarrhea? Ganon ba tlg un mas nagsusuka? Dami ko pa sanang tanong pero Hindi na dumating yung doctor Hanggang ma dismiss na kme. Mga momsh, may same experience din ba kayo ky baby na nagsusuka sila? Ano po diagnosis sa knila?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

it happened to my eldest. mga 1-2 years old sia cguro that time. suka ng suka. lahat ng ininom at kinain ay sinuka. dinala namin sa ospital. nakalimutan ko na pero bawal siang painumin at pakainin nun. may oras bago pwede na sia kahit uminom. sa stool nia, nakita na may e.coli pero nasa early stage. malamang, may nasubo siang marumi. nakailang araw din sia sa ospital. pero hindi naman sia matamlay. lakad lakad kami sa ospital habang nakaswero sia kasi gusto nia ung mga animal statues sa labas ng room. hanggang sa nadischarge.

Magbasa pa

opo, may ganun talaga, mommy. mainam po at naisuka nya at nakadumi sya. nailabas nya yung virus. baka po may nainom or nakain syang contaminated.