7 weeks LMP pero 5 weeks lang sa ultrasound and no embryo

Meron po ba same experience sakin? Natatakot po ako eh. 2 weeks ago nagpaTransv na ko ang gestation sac age 5 weeks.. tas ngayon nagpaTransv ako ulit 5 weeks padin yung ges sac age base sa size.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello, I think pareho tayo ng case. If based sa LMP ko dapat 7-8 weeks na and twice na rin ako na transv ultrasound pero wala parin makitang heartbeat and baby. First ultrasound wala talaga nakita, and then nung second, may sac and yolk naman na. Based sa size, 5 weeks and 2 days which is consistent kung conception ang calculation. I’m sure kasi na the only time nagcontact kami ni hubby ay during my fertile window which was last week of June na. So nung dun binilang ni doc, sakto nga sa 5 weeks. She’s hopeful naman and so we’re keeping the faith. I know it’s hard but let’s try not to think too much about it. Iwas stress din.

Magbasa pa
2y ago

kailan ka babalik for another ultrasound? parang same nga tayo. pag concepcion date ako magbase sakto nga din na 5 weeks pero LMP 7 weeks. babalik ako after 2 weeks so mga Aug.22 mag transv ulit ako. pero alam mo ba sabi ng OB ko kahapon sa check up ko? iraraspa na daw ako kasi blighted ovum daw to di ako pumayag sabi ko magwait ako 2 weeks ulit, sabi ko kung BO nga ito kusa naman to lalabas. hoping ako na walang lalabas within the 2 weeks waiting. madami ako nakita same scenario gusto na agad iraspa pero di sila pumayag pagbalik nila may embryo na.