7 weeks LMP pero 5 weeks lang sa ultrasound and no embryo
Meron po ba same experience sakin? Natatakot po ako eh. 2 weeks ago nagpaTransv na ko ang gestation sac age 5 weeks.. tas ngayon nagpaTransv ako ulit 5 weeks padin yung ges sac age base sa size.
Hello, I think pareho tayo ng case. If based sa LMP ko dapat 7-8 weeks na and twice na rin ako na transv ultrasound pero wala parin makitang heartbeat and baby. First ultrasound wala talaga nakita, and then nung second, may sac and yolk naman na. Based sa size, 5 weeks and 2 days which is consistent kung conception ang calculation. I’m sure kasi na the only time nagcontact kami ni hubby ay during my fertile window which was last week of June na. So nung dun binilang ni doc, sakto nga sa 5 weeks. She’s hopeful naman and so we’re keeping the faith. I know it’s hard but let’s try not to think too much about it. Iwas stress din.
Magbasa paGanyan po sakin last year, 3wks ako pabalik balik para pa TVS... hindi nagdedevelop, gang 5wks 5d lang... nagtuloy tuloy na dugo ko kahit ininuman ko pampakapit... Anembryonic Pregnancy raw un case ko, Blighted Ovum... Wherein buntis ka pero walang baby na nadevelop, inunan lang... Eventually raw kusa xa irereject ng katawan mo kasi magiging foreign body na xa, kaya raw dinudugo... Hindi po ko niraspa last year, natural abortion po ako... Niresetahan po ako Primrose pampalambot cervix, nailabas ko naman lahat... Nagpa TVS ako after ako duguin, wala namang natira... Pero try nyo po pa second opinion, to make sure.
Magbasa pa3days po after ko uminom ng primrose, nagtuloy tuloy na dugo ko.. almost 2wks po un... pero un araw po ng miscarriage ko talaga un labas nun mga buo buong dugo malalaki na parang ayon po un inunan... Grabe po hirap ko nun, para ka rin po nanganganak... Lalabor ka rin, mayat maya hilab tiyan mo... Gang sa makalabas po un mga dugo... After po makalabas nun mga clots na malalaki, continuous heavy bleeding na lang tas may mga clots na maliliit na lang... Ganon po...
Mother of 1 rambunctious prince