HINDI NAHIRAPAN
Meron po ba ditong nag labor ng hindi nahirapan o hind ganong nasaktan manlang yun parang normal lang di sya ganon kasakit ? May ganon po ba ?
Lahat ata nakaramdam ng matinding sakin.. Ung tipong lhat ng kilala mong mura nasasambit mo pag humihilab.. Ung iba kc after ng hilab tas pag bumuhos ung panubigan baby na sunod un ung madali kunting hirap peo ung iba na una dugo.. Sobrang sakit.. Sobrang masakit pag normal kya minsan maririnig nyo ung kasabihan na nakabayad na tau sa mga mama natin ng buhay kc naranasan na natin ung dinanas nila nung pinanganak tau.. Ang kailangan mo lang lakas ng loob.. Wag iiyak para di mastress c baby.. Tapos always pray at kausapin mo c baby na mag tulungan kau.. Gudluck sa mga first tym mom.
Magbasa paAko po sa first baby ko. Hnd dn ako nag labor. Pumutok na kasi panubigan ko kya ngpunta ako sa o.b ko tapos nag ultrasound ako ok pa nmn dw ang water ni baby. Kya after ng check up ko ngpunta na ako sa ospital at tinurukan ako pampa hilab para dw humilab at alam ko kailan ako iire. Sa biyaya ng dyos nanganak ako ng ako lng magisa wla pa doctor kasi tlgang ang bilis lumabas ni baby kht first baby ko un. Normal nmn na msakit kpag normal delivery pero para sakin mas msakit ung pgkatapos tahiin lalo ung wla na ung effect ng anistisya
Magbasa paMe first baby ko . 4 months old na now hndi ako gano nahirapan sa pag labor , para lang akong may period . Kaht sa delivery room manganganak nako . mas hndi ako nahirapan di naman masakt manganak . Mas maskt pa yung injection sa likod hehe before ka manganak . hndi din ako tagtag taong bahay lng ako at hndi lumalabas
Magbasa paAko po hindi ko alam bukas na cervix ko, 5cm n pla pag-IE sakin, normal lang pakiramdam ko, ngMall pa ko a day before. Ngwork po kc ako until 37weeks kaya tagtag ako, nramdaman ko nlang masakit kc induced labor ako since wala ko contraction, pro mabilis ko lang din nailabas si baby, after two hours.
Ang swerte naman nung mga hindi nahirapan at nasaktan maglabor tapos normal delivery hehe ako 9 hours naglabor paka sakit mga momsh haha buti 2 ire lang lumabas na si baby
Kapatid ko 3x nanganak walang kahirap hirap. Normal delivery lahat. Yun tipong pagka IE sa kanya sasabihin na lang sa kanya ng OB niya paadmit na siya. 😅
Ako po mommy sa first baby KO Hindi ako nag labor..
Sana ako din Hindi nahirapan sa labor 1st time mommy here
Sabi nila may ganun daw, yung mga tagtag talaga hehe
Ay sana nga tagtag ako araw araw e magtatrabaho ako hanggang dec 18 january 1 o 6 due date ko. Ang layo ng byahe ko.
Mommy ni dwayne