Morning sickness

Meron po ba dito same case na wala ng makain kakasuka? As in kahit ano ipasok sa sikmura nilalabas ko kaagad. 6 weeks pregnant po. Any tips po or kung ano naka help to overcome this. Nanghhina na po ako. :(

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan Po ako sa 1st trimester ko thank God medjo nakaraos na.. sa tubig na lang ako maselan 😂🤣 Karne manok d ko kinakain pag d gusto nilalabas d lang morning afternoon pati evening ask ako sa midwife kung ok lang un ok lang daw un normal nman un sa mga buntis pabawas din timbang ko sa 26 balik ko malalaman ko kung nag gain ako ng timbang 😂🤣 Sabi ni midwife bawi pag matapos na d need ng diet..

Magbasa pa

ganyan po ako last year. napakaselan, until 6 months ganyan ako parang everyday 24hrs hangover😅kahit tubig sinusuka ko until naconfine na lng 2 times. antacid lang reseta sakin mi. pero natalab lng panandalian. nakatulong din yung ice chips kinakain ko tas simot2 sa orange peeling. Nakakawala ng gross feeling

Magbasa pa

pacheck up ka na po para maresetahan ka kasi kung hindi baka i dextrose ka na lang dahil sa dehydration tapos dun din papadaanin yung gamot. ganyan din kasi nangyari sa akin kaya nag pa check up ako. pinilit ko kumain ng kahit kaunti lang para mainom ko yung gamot hanggang sa umokay ako.

Yes mii same sakin, fruits mii saging, watermelon yan mga kinakain ko non tas oats at biscuits. Hanapin mo yung mga pagkain na hndi ka nasusuka. Ako nun kahit pag toothbrush nagsusuka ako malala tas halos isuka ko na bituka ko, malalagpasan mo din yan pag dating ng 2nd trimester mo.

try mo kamote mi. yan lang kinakain ko paunti unti lang din. araw2x. 3 days na ako now di nag ssuka pero kalaban gutom.kaso di tlg tayo pde pabusog dun tayo ssuka. kamote o saging na luto.yan lng akin.sana patuloy na to na di ko magsuka

Hello mommy! May mga morning sickness soothers na maaaring makatulong upang maibsan ang discomfort. Check mo itong aming listahan at alamin kung ano ang swak para sa iyo: https://ph.theasianparent.com/morning-sickness-treatment

nagyari po sakin yan halos WLA na mkakin kakasuka grbe Hanggat sa na ospital dextrose na bumubuhay sakin Kasi acid ko Hindi tumitigil Ang nireseta saakin gamot sa suka metoclopramide plasil sa sikmura nmn Omeprazole

3w ago

ganito din ako nagpa hospital tlg ako nkiusap ako sa doctor i swero na nila ako kasing himang hina na ako. tagal bago ko nilagyan kahit kita nila lantang gulay na ako tas panay ko suka sa hospital.BMC malolos. grabe dun. ssungit pa nila. tinanong pa ako kung nanghihina ako samantala mga ibang tao sa hospital na di nmn doctor akala nanganak ako at operada dahil sa mukha ko na latang lata.ako pa tonanong doctor ano daw ba kasi kailangan ko di ako mkpg salita maayos at sobrang lata na ako. tinanong pa ko kung kaya ko daw ba lakarin documents ko sa laboratory?grabe dun parang di mga doctor.nu g naubos dextrose ko pinauwi na ako. resita lang same parin ng iniinom ko na sinusuka ko din nmn.pero pinauwi ako latang lata parin ako .gusto ko sana iadmit ako nun dahil sobrang hinang hina na ako.

ganyan din ako nung first trimester ko until 4 months, try mo cold water tas nguya ka din ng ice cube, nakakahelp sya sa pagsusuka. pero if hindi mo na kaya, pacheck up kana sa OB mo para mabigyan ka ng gamot sa pagsusuka. :))

ganito din ako 1st trimester hanggang sa diko kinaya niresetahan ako ng ob ko, at umayos ng konti sikmura pagsusuka ko. although may pagsusuka pa din ako sa isang araw pero di na malala na every kain at inom ko sinusuka ko.

Hello same sis grabe din pagsusuka ko ang ginawa ko nagpareseta ako sa ob ko since nagwoworry ako kung may nakukuhang nutrients si baby may reseta siya sakin mahal lang pero super effective tas may iniinom na ako to control