binyag at 1st bday

Meron po ba dito na nag binyag at 1st bday ni baby nyo na byenan nyo po gumastos? Sa binyag po nagkasundo kami ni hubby simple lang kasi less gastos saka hindi rin pagod. Nalaman ng byenan ko na ganun usapan namin ni hubby dahil nung nalaman nila na magpapabinyag kami nagtanong sila about sa handaan. Nagulat nalang ako nung sinabi ni sakin 2 weeks ata nun after nila malaman papanbinyag kami na may catering na daw sila nakausap at nakapag down na sila nagalit ako mga sis dahil hindi man ako ininform about dyan pero wala na ko magagawa nakapagbayad na sila ng half payment during celebration ok naman lahat successfull pero after dami ko narinig sa byenan ko na sila daw gumastos ganito ganyan.. 1st bday- nagkasundo ulit kami na ililibot nalang namin si baby sa zoo or manila ocean park dahil tuwang tuwa baby ko sa animals tinanong nila si hubby kung ano balak sa bday ng baby ko ayu sinabi ni hubby saka nalang kami mag hahanda ng marami kapag may pera na.. Ayan nanamn sila nanghiram ng tables and chair sa brg. Tapos catering pa sabi ko bakit ganun palagi nalang sila magdedecide? At isa pa po ang daming dami bisita na ka work ng byenan kong babae ata lalake classmate ng hipag ko naiinis ako mga sis kasi ayoko kasi lumaki baby ko na bongga mga bday celebration nya lalo na wala naman kaming pang ganon. And now sasabihin nila mga nagastos nila. Sa binyag 70k Sa bday 80-90k daw. What!! Parang balak nila pabayaran samin inuhan ng hubby ko na wala kaming ganyang lakaking pera kaya nga ayaw namin ng bongga dahil wala kaming pera.. Ang dami dami nila sinasabi samin mag asawa na hindi daw namin kayang ibigay mga ganyang bagay sa anak namin.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pabayaan nyo bka nman 1st Apo kya ganyan hayaan nyo na lang basta ang malinaw wala kayong babayaran pera ksi wala kayong ipambabayad kung sakali dhl kung kayo lang gusto nyo simple lang. Ganun talaga may pamilya na kahit nag-asawa na yung kapamilya nila at pagdating sa ganyan gusto parte pa din cla lalo't meron nman silang kakayahan makatulong lalo financially, ang ipapalit mo lang nman sa ganyan ay pakikisama bilang pagtanaw ng utang na loob

Magbasa pa