Exclusive Formula Feeding

Meron po ba dito na exclusive formula feeding since newborn si baby nyo? Sobra nai-stress ako kasi di ako makapag produce ng enough milk for my baby. Nag try ako mag mixed feeding nung 1st month nya pero mas marami pa rin ung formula, pero after a month mas humina ung supply ko to the point na 2oz na lang napa-pump ko sa isang araw. Ayaw mag latch sakin ni baby kasi nasanay sya sa bottle feeding. Nag try na ko ng kung anu-anong supplement like malunggay capsule, M2 tea, Galacto bombs treats, Mother Nurture and so on. Bumili pa ko ng mag expensive breast pumps pero wala ni isa ang nag work sakin. Nagpa massage na rin ako. Ginawa ko na lahat pero wala and now turning 2 months na si LO, I decided to finally stop. Di na kaya ng mental health ko ung stress at pagod kaka pump pero wala talaga. Di na rin tumitigas ung boobs ko unlike nung nakakapag pump pa ko ng madami nung una. Soon, I'll be going back to work na since I am currently on maternity leave lang, napaka iyakin ni LO at di sya natutulog nang nakahiga or sa duyan ayaw nya kaya di ko rin magawa ung pump 6x a day or even power pump. Working si partner kaya ako talaga toka sa kanya. Please help, may mga exclusive formula feeding din po ba dito gaya ko? Kamusta po ang baby nyo? Please stop the stigma. We are all wonderful moms. Sana matapos na ung pagsasabi na "magastos ang formula. Mas okay pa rin ung breastmilk." Alam ko po pero wala na akong magawa. Feeling ko konti na lang madedepress na ko dahil sa breastmilk na yan kasi ako mismo gustong gusto ko ipa-inom sa anak ko ay galing sakin. Pero wala. :( #advicepls #firsttimemom #FormulaFedBabies

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

A healthy baby is a fed baby, so never mind the noise ❤Mixed feeding ako before with my panganay for 3 months, then exclusive formula na lang kasi I had to return to work and tuluyan na humina breast milk ko. He grew up well and healthy. Currently pregnant and planning na mag-exclusive breastfeeding since work from home naman na ako (sana dumami na supply). Let's stop shaming moms na hindi nakakapag-breastfeed. Lahat naman tayo gusto what's best for our child.

Magbasa pa

Hello mo! Eldest ko, colostrum lang nadede niya saakin noon. May breastmilk man pero hindi umabot ng 5oz siguro kasi mahina din gatas ko noon kahit anonh inom ko ng pampalakas ng breastmilk. Kaya nag formula milk na siya. Kaka-8y/o lang niya last month at ok naman siya. Healthy siya. Sa bunso ko naman same din. Colostrum at kaonting breastmilk. Then formula na hanggang ngayon kaka 3y/o. Healthy big boy. 3’4” at 20kgs pero hindi tabain.

Magbasa pa

Hi mi! 1st born ko po exclusive formula fed, napainom ko lang colostrum and thats it.. kasi wala din talaga lumalabas at inverted pa ako.. ok naman sya very healthy and bibo.. she is 7 y/o now. Sa 2nd baby ko naman same tayo.. nag try ako imix feed sya.. kasi nakapagpump ako. though humihina din. Hoping na ma follow ko pa din mag power pump.. umaasa akong dumami output ko.. currently nakakaipon lang ako ng 4oz per day T.T

Magbasa pa

try niyo po ang lactating supplement like malunggay capsule, Tapos kung ayae niya po ilatch, better pump po since mas gusto po sa bote itransfer niyo nalang po doon pwede din po kayo mag imbak ng gatas pag madami dami po ang gatas niyo kada pump niyo efective po yun pump lang po ng pump babalik din po ang gatas sa ded* po samahan po ng tubig tska madaming gulay po. ganyan po ginagawa ko sa 1st baby ko non

Magbasa pa
5mo ago

paki intindi po post ni mami. tapos na cya sa mga ganyan.

Hindi pako nanganak mi, pero based sa mga nababasa ko wag daw po ipressure ang sarili at iwas stress mas nakakabawas siya ng milk. Try mo mag pump 8x a day every 12,3,6,9 am/pm tapos sabayan mo ng m2, oatmeal chia seeds and milo more water din mi. Yun kasi mostly nababasa ko. Wag ka mawalan ng pag asa mi isipin mo para kay baby mo yan. 🫶🏻

Magbasa pa

i feel you.. same tayo lahat na triny ko ayaw din mag latch sakin ni baby kasi wala syang makuhang gatas at nasanay na sa bottle pero still pumping padin ako kahit 1 or 2 oz lang nakukuha ko pero parang gusto ko na din sumuko 😂 pero umaasa padin akong lalakas kahit ang sakit na ng utong ko kakapump 😂

Magbasa pa

Hello, mommy! Since 3 days after ko ilabas si baby, formula-fed na siya. The reason why I decided to give fm kay baby and didn’t listen to their unsolicited opinions kasi namumutla na ang baby ko. Turning 4 months naman na si baby, okay siya and healthy.

Thank you so much, mommies! Di ko na kayo maisa-isa replyan. Nakakagaan ng loob ung mga words of sentiment nyo. I didn't expect na marami rin pala akong kagaya dito. Yes, we are all wonderful and good moms. Sending hugs to all. 🥰❤️

Ang importante busog si baby mamsh, ke breastfeeding or formula feeding man yan. Siguro ganon lang talaga na d ka makapagproduce ng breastmilk, Atleast may pang produce kang formula at di magugutom si baby mo hahaha. Ok lang yan mamsh.

Hi mhie.. same situation here..please be gentle to yourself..we need to be strong for our baby.. mixed fed for 1 month and pure formula na ako now..back to work narin for the next month.fighting mhie. We are all good moms