Exclusive Formula Feeding

Meron po ba dito na exclusive formula feeding since newborn si baby nyo? Sobra nai-stress ako kasi di ako makapag produce ng enough milk for my baby. Nag try ako mag mixed feeding nung 1st month nya pero mas marami pa rin ung formula, pero after a month mas humina ung supply ko to the point na 2oz na lang napa-pump ko sa isang araw. Ayaw mag latch sakin ni baby kasi nasanay sya sa bottle feeding. Nag try na ko ng kung anu-anong supplement like malunggay capsule, M2 tea, Galacto bombs treats, Mother Nurture and so on. Bumili pa ko ng mag expensive breast pumps pero wala ni isa ang nag work sakin. Nagpa massage na rin ako. Ginawa ko na lahat pero wala and now turning 2 months na si LO, I decided to finally stop. Di na kaya ng mental health ko ung stress at pagod kaka pump pero wala talaga. Di na rin tumitigas ung boobs ko unlike nung nakakapag pump pa ko ng madami nung una. Soon, I'll be going back to work na since I am currently on maternity leave lang, napaka iyakin ni LO at di sya natutulog nang nakahiga or sa duyan ayaw nya kaya di ko rin magawa ung pump 6x a day or even power pump. Working si partner kaya ako talaga toka sa kanya. Please help, may mga exclusive formula feeding din po ba dito gaya ko? Kamusta po ang baby nyo? Please stop the stigma. We are all wonderful moms. Sana matapos na ung pagsasabi na "magastos ang formula. Mas okay pa rin ung breastmilk." Alam ko po pero wala na akong magawa. Feeling ko konti na lang madedepress na ko dahil sa breastmilk na yan kasi ako mismo gustong gusto ko ipa-inom sa anak ko ay galing sakin. Pero wala. :( #advicepls #firsttimemom #FormulaFedBabies

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same po mi, Buti nga Sayo napadede mo sa unang labas sakin wala talaga lumipas buong wala parin nalabas sakin pinilit ko parin ko padedehin si baby pero wala talaga ang sakit na ng nipples ko kasipsip ni baby. sobrang naistress ako naiiyak nako non kasi gutom na si baby wala padin sya masipsip kaya nagdeside ako na humingi na ng breast milk sa Kasama ko dito sa bahay pati sa kapit bahay may mapadede lang sa kanya, pero sa bote parin nya dedehin wala na akong choice kisa magutom sya. grabe payong pagsubok na dumating sakin, Kasi 1 araw ko palang Kasama si baby sinugod na ako sa ospital dahil nagka early postpartum hematoma ako grabe lahat ng emotional at physical na pwede maramdam naranasan ko. May time na gusto ko na sumuko pero yung laman ng isip ko si baby, kahit nasa emergency nako for observation bago maoperahan umiiyak ako ang tagal ko pa magdeside non kung magpapaadmit ako Kasi iniisip ko kaya ng katawan ko pero yung case na ma 50/50 ako kaya yung pamilya ko na nagdecide na magpaadmit na at pipirma na ng waiver kinumbinsi din ako ng doctor namagpaadmit na nga Kasi sobrang putla ko na. Basta grabe yung pinagdaan talaga mas malala pa sayo mi, buti nalang God is always good 😊 hindi nya ko kami pinabayaan kaya dapat keeps strong and believe in God. God Will provide our needs so don't lose hope. Keep fighting lang Tayo mga momhie. πŸ™ πŸ™

Magbasa pa

1st baby ko never naka try ng breastmilk. Grabi din yung guilt ko not until sa 2nd baby ko breastmilk cya for almost a month at nag mixed feeding na when I noticed 3 weeks yellow pa rin cya. Tried researching and yung vitamin D from me di pala napapasa sa baby. Na question tuloy namin ni hubby kung mas full packed ba talaga sa vitamins ang breastmilk. Yung 2nd ko po na admit newborn jaundice naging 27 yung bilirubin nya kaya nung nag out kami sa hospital nag mixed feeding na po talaga ako. Thank God di na po cya yellow. Di ko dinascourage ang breastfeeding dahil isang factor lng po ito ang main cause nung jaundice is not enough sunlight po although frequent naman feeding nya para matae yun. Mapa breastfeed or formula mommy ang importante healthy, busog, and happy po si baby. :) PS. Maraming nagsasabing matalino ang 1st born ko at 2 yrs old magaling na mag communicate, count 1 to 100, can identify colors, planets, animals, fruits, vegetables, transportation and so on. Can even understand 3 languages pa nga po. Kaya never feel guilty pag mag formula ka mommy. Importante po ang stress free pra sa ating mga mommy.

Magbasa pa

i feel you momsh. i really wanted to breastfeed my child pero mukang ang breast feeding journey ay hindi para sa lahat. like you, i also bought pumps (wired and wearables). tried M2, natalac, lactating cookies.. CS ako and limited ang pwede pa gawin. Gustohin ko man ng masabaw na pagkain, wala pwede magluto dahil working din si hubby and hindi na enough ang time namin for our 2 children. naka formula si baby ko now. he's 2 weeks old. Nan optipro one ang sinuggest ni pedia since kinulit ko na sya like you, I am concerned with my mental health hence i already gave up na sa breastfeeding journey. nakaka add kasi sa frustration. ayaw din mag latch ni baby sa akin. comment ng mother in law ko, malaki daw at mababaw yung nipples ko kaya ayaw unlike ng sa kanila na mahaba.. anyway, yung first born ko din formula sya and hindi sya sakitin. hugs sa atin mga mommies na sinubukan naman magpa breastfeed

Magbasa pa

hihina at hihina po talaga ang bmilk ptoduction if mas napapadalas ang pagformula. law of dand at supply kasi pag bfeeding. and konti lang nirerelease na milk lalo sa 1st 3-4days pa lang ni baby. Anyway, it doesnt matter if formula or bfeeding si baby mo, di nasusukay dyan ang pagiging mabuting ina. ako nga na pure bfeeding, nasasabihan ng iba na iformula ko na kasi mahihirapan daw ako sa anak ko pag nagwean na ko, etc etc.. di na maiiwasan ang mga taong mamuna. be strong minded and wag na lang sila dibdibin lalo na kung alam mo naman na di sakitin at healthy si baby.. healthy ang baby basta natutugunan ang dede nya. kumbaga, well fed baby dapat. sabayan pa ng regular na pedia check up. dont mind sa mga sasabihin ng iba. remember na importanteng ok ang mental health ni mommy para maalagaan nya nang maayos si baby. you can do it momma! πŸ’ͺ

Magbasa pa

hello mi wag po kayo malungkot .. ang importante dito hindi natin magutom ang baby natin.. wag niyo po pakinggan ang mga sabi sabi.. kasi importante din ang mental health natin para maalagaan natin maayos ang anak natin.. hindi po basehan ang gatas Formula o Breastmilk yan para masabi natin mabuting ina tayo .. pro Formula ako kahit na EBF baby ko 19mos old na.. pero ganon talaga e may masasabi ang iba kahit ano pa gawin natin sa mga anak natin.. kahit ako mi dami ko naririnig na sabi sabi like bakit hindi ko nalang ibote para makagalaw ako, na mag 2yo na anak ko pwede na mag stop.. direct latch kasi at til now di ako makapasok ng work.. kaya wag na natin pakinggan ang iba mi.. focus nalang tayo kung ano ang tama sa mga anak natin at sa sarili natin... Godbless mi

Magbasa pa

wag nyo po istress sarili nyo dahil lang dun..ako kc isang 2 months din nagbote kc wla din akong gatas unang dede ng baby q sa ibang tao pa dahil dun pero habang wla akong gatas sa formula sya pinilit qng mapadede sya sken naginum ako ng malunggay capsule kasabay ng malunggay na sinasama sa mga pagkain tska more on sinabawan tlga pra pangpagatas sya..wla na nga akong gatas inverted pa same nipple q kya sobrang hirap nagsugat ang nipple q dahil sa pagpilit na lumabas sya..after ng 3 month naging ok na din nalagpasan q un pra sa anak q..sobrang hirap q ung sakit sa nipple q dahil sugat sugat na sya puyat sobrang iyakin pa ng baby q..pero sulit sa ngaun na 5 months na sya kc mabait na sya..sken na din sya nadede

Magbasa pa
1y ago

bumalik po ba yung milk mo ?

hi po..ako mie since birth si baby ko formula na agad sa una pinapatry ko din sakin sya dumede pero kasi ayaw nya eh umiiyak ndin ako nun sa sobrng stress hayss..pero lahat din ginawa kona lahat binili ndin nmin pra lang maglatch si baby kaso ayaw tlaga gang nagpump ndin ako sa una mdmi nkaka 2oz ako gat 1oz n lng hanggang sa wala ng lumalabas sakin npgod din ako mgpump kc walang lumalabas..now si baby ko mg 3months na formula ok nmn sya healthy din.. Kaya wag ka mastress kasi iba iba ang mga mommies kung sa iba madali sa iba nmn mahirp pero wg ka papadala.. hindi basehan ang breast feed or formula as long as healthy c baby okay na

Magbasa pa
TapFluencer

Hello mommy. Try nyo po ying drip drop method para makabalik po si baby sa pag latch sainyo. Kung gusto nyo pa din po i-pursue if ever ang breastfeeding. Try to join din po Breastfeeding Pinays group sa fb. Nung preggy kasi ako nag join na ako dyan kaya keber sa lahat ng sasabhin sa paligid. Haha di papatinag sa walang nakukuha si baby keme. Saka di po ibig sabihin na malambot ang breast ay wala na pong milk. Sakin naman po nung 1st month lang natigas ngayin 5 months na si baby lagi lang sya malambot di rin natagas milk ko kagaya ng iba bihirang bihira mangyari sakin yun. Pero pure breastfed pa din si baby hanggang ngayon. 😊

Magbasa pa

exclusive formula feed si junakis , same prob tayo mii nung first month namen hina talaga supply kht uminom ng kht anong pampagatas kaya nag decide kme ng mag formula na lng sya .. so far okay naman i bagets 3yrs old na sya , di naman sya sakitin . malakas naman katawan nya .. hnd bale na gutom paminsan minsan ang bulsa kesa naman gutom ang anak nten , hnd makakabawas ng pagiging magulang naten kung hnd naten sila kayang ibreastfeed .. tanging advice ko lng sayo mamii WAG MO PAKIKINGGAN ANG OPINION NILA LALONG LALO NA KUNG HND NAMAN MAKAKASAMA SA ANAK MO ANG GAGAWIN MO ..

Magbasa pa

aq po since 2weeks plng c bby nwlan n tlga q milk kya formula milk xa hanggang ngaung 3months n xa going to 4...wag mo po istress srili mo d kslanan ung d mo mpabreastfeed ng msyado c bby gnwa mo nman po lhat ...dti pinupush q dn mgkaron ng breastmilk kc pra dn sknya pro nung wla tlga s formula milk naq kumapit..tsaka ung bby q cmula non ngformula xa khit ilapag mo png s higaan pg busog n xa n msmo ngpptulog s srili nya mgdadaldal muna bgo pumikit mta...kya nkka gwa aq ng gwaing bhay at paorder n cakes...

Magbasa pa