APDO NG SAWA
Meron po ba dito ang nakasubok na ipainom sa bata ang apdo ng sawa ? Pinipilit kasi ng biyenan ko na ipainom daw sa 3 weeks old baby ko para isuka.lahat ng.kinain nya sa loob ng tyan ko. Tapos yung anak ko duduwal duwal lang wala naman isuka kung kelan gabi tsaka sinasaktan ng tyan. (Nakakastresssssssss imbis mapahinga yung bata alam nyo yun nakakapagod magalaga ng bata sa ukaga lalo na sa gabi pa jusme)
Its a big NO NO. Pag alam mo mali din at hindi ka agree wag mo sundin. Ikaw ang nanay kaya dapat ikaw nasusunod.
Ako momsh nung ist baby ko kc advice ng parents ko so ginawa namin.pero sa ngun kc I dont think na safe pa yun..
Naku! Minsan sablay din mga byenan eh, kung keri naman, politely tanggihan mo nalang kawawa naman baby mo.
Kung hindi naman doktor si byenan bakit ka makikinig? Ikaw ang nanay ng bata so ikaw ang magdedesisyon dapat.
Wag po sana maniwala agad sa mga sabi sabi ng oldies. Mas okay po sana nag consult nalang po kayo sa pedia.
better dalhin mo si baby sa pedia . wag ka papayag na painumin ng ganyan baka mapano ba si baby. diosme
Ampalaya lang pwede na. My goodness! Daming alam ng mga oldies na di na applicable sa panahon ngayon.
Mommy medyo nakakatakot naman yan. Consult nalang po ang pedia ninyo kung may problema ang bata.
That's so freaking dangerous. Who in the right state of mind will let their babies drink such.
Mga paniniwala ni mang Kepweng na ritwal ritwal pati sanggol dinamay pa sa ka ungguyan nya😂