PAHING NG PAHING

meron po akong allergy sa alikabok, kaunting expose ko lang sa kwarto o lugar na maalikabok grabe ako pumahing tas nangangati mata ko. pero ngayon buntis ako 10 weeks and 1 day kahit wala naman alikabok pahing ako ng pahing pero di nangangati mata ko. araw araw akong ganon pero di naman ako sinisipon. meron ba same case sakin na ganon? kaya rin kaya ako pahing ng pahing kahit walang alikabok kasi kasama rin ba yon sa pag bubuntis ko?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

try nyo po yung pregnancy tracker dito sa app. may description po siya ng possible na mga maramdaman ng buntis. kasama na ang nasal congestion. ako din may times na madalas bumahing ngayong buntis pero nawawala din siya. hindi nagtutuloy na sipunin