After bakuna

Meron po akong 1 1/2 year old na baby, late sa bakuna so naghahabol sya. Netong Wednesday yong 2nd to the last yang bakuna. Bale 3 bakuna yong tinurok sa kanya. Nilalagnat naman sya talaga after bakuna kaso iba ngayon, 2nd night na namin na di nakakatulog kasi grabe sya umiyak yong tipong parang mawawalan na ng boses. May times pa na para syang nananaginip ng masama at kahit gising parang takot na takot na parang may nakikitang iba. Hays. Ano po ba ang dapat gawin? May nakaranas na din po ba nito?

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hi mommy, baka feeling uncomfortable si baby dahil sa fever and sa sakit sa vaxxed area. nabigyan na po si baby ng paracetamol and cold compress sa naturukan na area? these are our pedia's recommendation po everytime nagbakuna ang babies and they need relief. i still believe that vaccines are very important, they protect us and our family from various diseases. :) mas kilala niyo po si baby, if tingin niyo po iba pa din ang iyak niya, you can contact her pedia. possible din po kasi baka iba and hindi vaccine-related ang nararamdaman niya. hope baby feels better na ❤

Magbasa pa