Meron ba ditong same case sakin? Nagkaanak si hubby sa ex-girlfriend niya?
They were together for a long time. Nabuntis si ex pero di sila nagpakasal dahil bata and nagaaral pa sila nun. Few years after pinanganak yung bata, nagloko si ex niya, pinagpalit si hubby kaya sila naghiwalay. From then 'til now, na kay hubby yung custody ng bata bilang siya yung nagpapaaral. Nakikita lang ni ex yung bata once a week and hatid sundo din ni hubby sa bahay ni ex.
Tanggap ko yung bata, bilang I've known the child since pagkapanganak pa lang. Ang medyo off lang sa part ko eh lahat ng responsibilidad nasa hubby ko lang. From pagpapaaral, food, shelter, swimming and voice lessons, ultimo pambaon sa school, hubby ko ang nagshoshoulder. Minsan, routine check up fee lang sa pedia, masama pa ang loob niyang bayaran. Sa tingin nyo, okay lang kaya na sabihan ko si hubby na kausapin niya ex niya? Na kahit papano mag shoulder naman ng expenses? Kahit man lang yung daily allowance lang ng bata? Is it too much to ask from her? Single si ex btw, may work din. Buntis din kasi ako, nagaalala lang din ako para sa baby ko. Ayoko naman na lahat ng funds ni hubby, nasa isang bata lang ang concentration.
May law ba na pag inacknowledge ng dad yung bata? Nasa kanya lang ang sole responsibility sa pagpapalaki at paggastos kahit may means naman ang ex?
Thank you sa mga sasagot and magbibigay ng insights.
Ronalyn Valerio