OVERWEIGHT
Meron ba dito na umabot ng 80kls to 85kls ang timbang while pregnant? and nanganak via normal delivery. Super stress na ako sa weight ko im currently 33weeks pero yung weight ko is 80.5kls na kada check up ko palagi na lang sinasabi sa akin na "mag bawas ng kain" , "ang bigat bigat mo" , "mahihirapan ka manganak". Alam naman natin na mahirap mag pigil ng kain lalo na kung buntis hays super stress paulit ulit na lang yung naririnig ko 😫 Btw second baby ko na ito and 85kls ako nung nanganak ako sa panganay ko via normal delivery and lying in lang, hindi naman ako nahirapan or what and wala rin ako pakealam dati sa mga ganung words pero now parang naririndi na ako and nasstress ako to the point na parang gusto ko na lang gutumin sarili ko hanggang sa manganak ako😔😔