Sustento para sa bata

May member po ba tau dito na isang attorney!?Meron po kasi akong friend na lalaki na binigyan ng demand letter ng dati nyang asawa. Nanghihingi ng 10k kada buwan para sa anak nila na 6 and 7 yrs old. Pero since then nagbibigay naman sya ng mga groceries na needs ng mga bata. Pero nung nalaman ng dati nyang asawa na may bago ng partner ung guy at buntis na ung partner nya ay nagdedemand na sya ng pera. Walang stable na work ang lalaki at ang business na inooperate nila ay mula lahat sa gastos ng bago nyang partner. Nakikipag kasundo ang lalake na ilista lahat ng mga needs ng mga bata kada buwan at ang lalaki na ulet ang bibili. Wala rin kc syang tiwala na sa bata lahat mapupunta ang sustento kung pera ang ibibigay nya. Gusto nya na magkaron sila ng maayus n aagreement kc minsanan nya nalang din mahiram ang mga bata. Pero ang sabi sa kanya ipapakulong daw sya.. Ano po ba ang dapat nyang gawin?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

magusap sila sa barangay para masettle kung magkano talaga ang dapat isustento sa mga bata.