Water at 1month old

Mejo nakakainis na byenan ko. Ayaw ko sanang painumin ng water si Baby kaso lage akong nireremind kesyo kailangan daw. Gusto ko kase sana pure breast milk lang ang maiinom niya sa loob ng 6months, nagstart nilang painumin ng water si Baby nung 15days old palang ! Ayaw ko sana kaso kahit partner ko umaayon sa parents niya. Naiyak nga ako nung last week kase aalis ako then nag iwan nalang ako ng milk na pinump ko then ang sabi kulang daw pero hayaan ko na daw busugin nalang nila sa tubig, wala akong nagawa kundi maiyak nalang sa kwarto bago umalis ? Okay nman sila pero pagdating lang talaga sa pagpapainom nila ng tubig sa baby ko ang kinakaayawan ko. Ngayon 3days ko ng hindi pinapainom kaso napansin nila na hindi ko na pinapainom kaya ang sabi saken painumin ko na daw 3days ng hindi nainom ng tubig si Baby. Ano po ba pwede kong ialibay para lang tigilan nila ang pagpapainom ng tubig sa baby ko ? Balak ko nga sa pagcheck up kay Baby tapos pag uwi sabihin ko sa kanila na bawal ang tubig kase hindi naaabsorb ng baby yung gatas ko. Hindi kase sila naniniwala na bawal sa baby ang tubig keme lang daw ng mga Doctor yun

64 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

luhh.. if pure bf ka,no need na water.. at oag one month 2oz lang pinapainom ko dati..

Bawal pa PO tubig sa 6 months and below .. Google niyo at ipabasa sa MIL mo ..

Make her understand nlang momshie na hindi pa pwede mag-water si baby mo. 😊

Pabasa mo sa kanila yung thread na bawal sa baby yung water.

VIP Member

Mahirap yan. Dapat ikaw masunod dahil Ikaw ang Nanay

very wrong lol water will b introduced at 6 mos

VIP Member

Pwede po sila mag suggest, pero ikaw po nanay

6 months.pwede..pero yang old..gatas muna

Nakakainis yung ganyang byenan .. hayyyyy

Baka po magkaroon ng water intoxication