Water at 1month old

Mejo nakakainis na byenan ko. Ayaw ko sanang painumin ng water si Baby kaso lage akong nireremind kesyo kailangan daw. Gusto ko kase sana pure breast milk lang ang maiinom niya sa loob ng 6months, nagstart nilang painumin ng water si Baby nung 15days old palang ! Ayaw ko sana kaso kahit partner ko umaayon sa parents niya. Naiyak nga ako nung last week kase aalis ako then nag iwan nalang ako ng milk na pinump ko then ang sabi kulang daw pero hayaan ko na daw busugin nalang nila sa tubig, wala akong nagawa kundi maiyak nalang sa kwarto bago umalis ? Okay nman sila pero pagdating lang talaga sa pagpapainom nila ng tubig sa baby ko ang kinakaayawan ko. Ngayon 3days ko ng hindi pinapainom kaso napansin nila na hindi ko na pinapainom kaya ang sabi saken painumin ko na daw 3days ng hindi nainom ng tubig si Baby. Ano po ba pwede kong ialibay para lang tigilan nila ang pagpapainom ng tubig sa baby ko ? Balak ko nga sa pagcheck up kay Baby tapos pag uwi sabihin ko sa kanila na bawal ang tubig kase hindi naaabsorb ng baby yung gatas ko. Hindi kase sila naniniwala na bawal sa baby ang tubig keme lang daw ng mga Doctor yun

64 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May nabasa ako na hindi dapat painumin ng water si baby in 6mos kung breastfeed ka.. kc pwdng makakuha ng bacteria c baby sa water.. be careful po sa isusubo kay baby kc medyo sensitve po..

Paceck up mo baby mo momsh tas isama mo sila pag kasama sila iharap mo sa doctor tanong mo kung pwede na painumin ng tubig para mapagalitan sila gusto ba nila mapahamak yung bata.

Momsh, isama mo si MIL mo next visit sa pedia tapos isumbong mo sa pedia na pina inom si babh ng tubig, tignan lang natin kung makakasagot pa siya sa pedia. Hayy nakaka gigil din

Isama niyo po mil niyo pag ngpacheck kau sa pedia.. dun mu itanong ng nkaharap mil mo sa doctor yung tungkol sa pgpapainom ng tubig ky baby..para maliwanagan mil mu

bawal pa ang water sa baby yan ang sabi ng pedia dalawa ng pedia tinanong ko dahil makulit din ang nanay ko nagpupumilit painumin ng tubig anak ko

Minsan isama mo po sila sa pedia para sa check up ni baby then ask nyo yan sa doctor. Siguro naman po maniniwala na sila pag doctor na nagsabi sa kanila

5y ago

Yes momsh. Hehe magsearch ka din sa google ng mga proofs. Then yung breastmilk naman momsh contains of water and nutrients kaya no need of water na. Saka search mo din yung water intoxication sa mga babies. Hehe dapat kasi "your child, your rule".

Masama pa po sa baby ung water 6months lng sya pede uminom ..khit pede magagalit sa gngwa nila e..sila na mismo nag bibigay ng skit sa anak mo...

Bawal n bawal po ang tubig..kng nbasa nyo ung article i think dto q din nbasa un..n nd p pede ky baby ang tubig dhil nd p kya ng kidney nya..

BAWAL PO ANG WATER SA BELOW 6 MONTHS. Madami pong babies ang nagkakasakit or worse eh namamatay dahil sa pagpapainom ng water.

VIP Member

bawal na bawal ang water sa baby.dapat ipaintindi mo pilit yun unang una sa asawa mo. kahit sino tanungin doktor masama yun.