Meet my Sweetie pie
"Zia Aldreane"
EDD: DEC 5
DOB: NOV 24
TOB:12:50am
3kgs
via Vaginal induced labor
... Long post to read...
Nov. 23 madaling araw 12am palang I notice may bright red spot na ko sabi ko baka mamaya manganak na ko kaya nagpahinga muna ako at natulog, pero putol putol tulog ko dahil hindi ako kumportable since malaki na tyan ko tpos panay pa sakit ng singit at likod ko.. 6:30 may brownish mucus plug na lumabas sakin kaya naligo agad ako ng maligamgam para incase mag tuloy tuloy diretso na kami sa lying in, 5pm nag punta na kami sa clinic 3cm plang tpos nilagyan ako ng primrose para magdilate at mag soften cervix ko tapos umuwi na kami, paguwi puro dugong buo lumalabas nakakaramdam na din ako contractions medyo sunod sunod na every 15mins na sya, since takot si lip at mother ko na bka daw pumutok panubigan ko or abutan ako sa bhay sabi sken punta na daw ulit kmi sa clinic.. Pagbalik nmin ng 9pm, IE 4cm lng daw pero yung pain nya mga 5-6 na, sabi skin bka bukas pa daw or madaling araw pa ako manganak, sinabihan din ako na induced nlng kpag hindi pa daw ako nanganak kinabukasan kya uwi muna kmi.. Paguwi ko sabi saken ng mother ko kumain ako pra may lakas ako umire.. After mag eat.. Ayun sunod sunod na ang hilab every 5mins na tpos umiiyak na ko sa sakit at nanlalamig hindi ko na tlga kya kaya mga 12 balik ulit kmi.. Pag IE sakin maliit parin daw pero yung pain nya hindi ko na kinakaya, naiiyak, namumutla at nangangatog na ko, kya nag decide na yung midwife ko na induced na dahil Wlang tubig si baby, baka daw kasi kada wiwi ko nasasama kaya ayun todo labor na ko hindi parin masyado mataas yung cm ng cervix ko,
Sobrng sakit pala mga momsh 20x double yung pain ng induced, pagkabit palang ng swero mga 20mins lng ayun tuloy tuloy n hilab, buti nlng kasama ko mother ko sa DR. Kasi nerbiyosin ang lip ko kaya sa labas sya, ilang hilab lng tpos pinaire na ko sabyan ko daw ng malalim na pagire kada hilab habang nkasara ang bibig, hirap umire dahil sa facemask mga momshy besides di ko na maalala pano umire, 11years kasi bgo nasundan, funny thing lng sinasabi ko pa sa midwife, parang napupoop po ako sabi sakin ok lng yun basta umire daw ako, tpos nag so sorry din ako kasi feeling ko tlga nagwiwi at poop ako, tpos mga apat na malalim n ire lng baby's out 12:50am, sobrng ramdam ko pati pagikot sa knya kasi wala akong tubig puro dugo.. Sobrng sakit after manganak tahi nmn, pero worth it lahat kasi narinig ko na umiyak ng malakas si baby ko, tpos habang tinatahi ako nakatingin sya sakin at nakikinig.. Kaya sa mga soon na manganganak
Manalig lang tyo kay lord hindi nya tyo pababayaan lahat ng pagsubok may solusyon.. By the way breech si baby till 8mos and luckily umikot pa sya ng 9mos kaya thankful parin ako dahil hindi nya hinayaan ma cs kmi kaya sa mga mommies dyan tiwala lang tlga.
Technique lang while on labor breath through your mouth 🙏💕
Anonymous