Finally!

Meet my little one ? Name: Eliseo Ezekiel Rafael Condes Birthdate: February 05,2020 EDD: February 18,2020 Type of Delivery: NSD weight: 3.2 kg length: 49 cm Let me share my story, February 05 at 4:30 am nagising ako kasi naiihi ako, pero nagulat ako basa yung panty ko, so inisip ko baka ihi ko lang yun, pero hindi eh, naisip ko din never naman ako nakakaihi sa panty ko so inobserbahan ko sya kasi baka mamaya panubigan ko na yun, around 5:30 am may kusang lumabas ngang tubig and every 15 mins may super mild contraction pero hindi masakit parang wala lang, naalala ko sabi ng OB ko pag nauna ang tubig diretso na agad sa hospital, kaya naman tinext ko sya and nagpunta na nga kami ng asawa ko sa hospital around 7:30 am. Na admit ako mga 8:30 am na, pag IE sakin 3-4cm na, around 10:30 dumating yung OB ko then IE ulit 4 cm na..pero wala pa din akong maramdaman na labor. Parang nangangalay lang yung balakang ko minsan. So my OB decided to induce or yung aigmentation na tinatawag para mas tumaas yung cm ko at maglabor na nga ako ng tuloyan, umalis pa ob ko nagclinic pa sa ibang affiliated hospital nya, sabi nya mag clinic muna ako sa san joaquin pasig, pag nagtuloy tuloy yang labor mo early in the afternoon manganganak ka na, babalik na lang ako later ?. So ako naman nakakangiti pa kasi nga wala naman ako nararamdaman na contraction na malala. So eto na around 12pm nag i start ng sumakit at umepekto yung ininject nila sa swero ko na gamot pampahilab. Hindi na ko makangiti kasi every 10 mins yung contraction nya then medyo masakit na, around 12:30 pm every 5 mins na yung sakit. Then IE ulit ng ibang OB, maya maya sabi ng OB dun tawagan na yung OB ko kasi di na tatagal manganganak na ko. So ayon na mga mommys, 1:16 pm lumabas na si baby. Actually hindi ako nahirapan sa labor kasi ang bilis lang, kung di pa ko ininduce di pa ko makakaramdam ng sakit and 1 hr lang yung paglilabor ko ng masakit talaga. Nahirapan lang ako sa paglabas ni baby kasi medyo malaki sya. 5 long push na dalawa na yung tumutulong sakin para itulak si baby palabas. Akala ko di ko mainonormal eh kasi nagdidilim na yung paningin ko di ko pa sya mailabas ? kaya nag pray na lang ako habang umiire at binigay yung pinaka best kong ire para mailabas si baby at hindi ako ma CS. And thank you Lord dininig mo yung prayers namin. To all mommies out there na hindi pa nakakaraos, pray lang tayo at makakaraos din kayo ng safe. God bless!

Finally!
81 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congratulations momshie.. U did very well.. To the February team momshie.. Good luck! We will pray for you and your baby. #myOneAndOnly #johnAnthony

Post reply image

Congratulations ma'am. Kakainggit naman malayo PA edd MO pero aga lumabas si. Bby MO. Ako Feb 14 Ala paren signs 😩😥

5y ago

Makakaraos ka din momsh

Congrats same tau ,feb 5 din lumabas baby ko.at nag 7cm na ako wla na five minutes nailabas kons cys agad.

5y ago

Wla namn ako work.sa gawaing bahay lng yun lng work ko kasi dlawa lng kami ng asawa ko tapos lakad lakad paunti unti.hnd ko nga akalain na manganak na ako kasi mataas pa masyado tyan ko eh.my isang post ako moms mabasa mo dun story ng paglabor ko

Ang galing mo umire. 👏 Congratulations, momshie! 💗 Cute ni baby. 😍 Welcome to the world. 🙂

5y ago

Thank you mommy! ❤

VIP Member

wow sana all nakaraos na at madali lang nanganak ☺ congrats po ang cute ng baby nyo ☺

VIP Member

Congrats sis buti ka pa nakaraos na.tama sis prayers lang talaga makkatulong satin.

same due date..feb. 18 still no sign of labor at close cervix p dn po..congrats 😃😊

5y ago

Thank you. Makakaraos ka din momsh.

Same edd pero close cervix and no signs of labor pa rin. Hays. Congrats sis! 🙌

5y ago

Thank you momsh!

Congratulations sis..❤️❤️ Ang tango's nang ilong ni baby🥰🥰

Wow so cute😘😘can't wait to see my baby girl .😍😍too.