βœ•

Feeling Blessed πŸ₯°

Meet my Baby Mako 😁 EDD: August 2, 2020 DOB: July 23, 2020, 18:29:50 via CS 9.2 lbs / 54cm My Journey *super long post* 34 weeks pregnant na ko nung nagpalit ako ng OB since hindi ako naaasikaso/na-guide ng maayos ng previous OB ko due to ECQ. Almost all of my lab test is pina postponed nya.. Even CAS pina forego na nya since matagal daw procedure non and hindi nya daw nirerecommend na magtagal patients nya sa hospital since high risk and mga pregnant. Had my OGTT checked and other lab tests nung nag GCQ pero 7 months na ko non. Super late na.. Pero sabi nya normal and ok lang naman daw lahat ng results ko except sa OGTT. Inadvise nya ko na ipaulit yung OGTT with 100mg after 2 weeks pero mataas pa din. After ko mapadala lahat ng results ko, wala na sya feedback. That's when we decide to switch na ng OB. I know super late na namin nag decide pero kasi FTM ako and masyado na ko nagwoworry para sa sitwasyon namin ni baby. May OB na nirefer sister in law ko.. Buti inaccommodate kami kahit 34 weeks na ko non. First check up namin with new OB, dun namin nalaman na may gestational diabetes pala ako. Nung nag 3rd trimester ako, nag no carbs and no sweets na ko.. Kaso medyo late na.. Na trigger na yata nung 1st and 2nd tri ko yung GDM. Pero atleast andyan na yung new OB ko to help me. Nag refer sya ng endocrinologist to assist me sa pag control ng blood sugar ko. Had my check up weekly. Nung July 16, 1cm na daw ako. Inadvise na ko ng OB ko na pag hindi pa daw lumabas si baby until next check up namin, induce na daw nya ko. July 23 during check up, 3cm na ko pero hindi na ko pinauwi ng OB ko to monitor contractions. Mabilis nag improve contractions ko to 5cm kaso nagworry sya nung sustained na contractions ko pero hindi bumababa ulo ni baby kahit pinutok na nila panubigan ko. Chineck BP ko and nakita nagspike na to 150/100 which is delikado na daw samin ni baby pag pinatagal pa labor ko. Kinausap na ko ng OB ko na magbibigay sya sakin ng magnesium something to avoid seizure and advised me to undergo CS na. Though maganda naman daw contractions ko, kaso si baby hindi daw bumababa. Andun na din anesthesiologist ko nung time na yun and comforted me na gagawin nila lahat para hindi ako mahirapan. Sobrang sakit nung magnesium na binigay nila and skin test. Nag pray nalang ako para sa safety namin ni baby. Nakakalungkot lang din na hindi na pwede husband sa delivery room. Feeling ko magisa ko lang hinaharap yung labor pains but, I know he's worried na din samin while waiting. Pero everything went well na after namin matransfer sa operating room. Super thankful sa OB and anesthesiologist ko. Kaya pala hindi bumababa si baby, naka harang cord sa shoulders nya. Thank God safe kami ni baby πŸ₯° after seeing my baby, I really can say IT'S ALL WORTH IT πŸ₯° Photo: 5 days old Mako and his daddy πŸ₯° #theasianparentph #firsttimemom

2 Replies

VIP Member

Congrats po! Hirap din may GDM kaya maganda maagapan agad

Last month, bumalik ako sa endo ko.. From GDM to Type 2 DM na πŸ˜“ insulin nireseta sakin since breastfeed si baby

VIP Member

Congrats po πŸ’–

Thank you po 😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles