Medyo totoo ?

Medyo nakakalungkot kasi uso to ngayon ??

Medyo totoo ?
67 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Madami ngang ganyan ngayon. Pagkatapos ng sarap ay hirap ! Pero ang masama doon, ang hirap na yun ay kargado ng mga magulang mostly sa mga teenager na napariwara or what. Pero , di lahat ng nagkaka anak at nagpapamilya ng maaga ay halos mga teenager na agad. Actually, may kakilala ako. Lalaki pa naman din, and then after nya makagraduate ng 2 years course ay nagwork na at nung kumikita na at nagkaroon ng gf ay nagdecide na magboarding house na at magsarili. Nakakatawa lang na nakakainis kasi di pa sya nakakatulong sa mga magulang nya ay naisipan na nya magsarili para lang makasama ang gf. Karamihan ngayon mas pinipili ang karelasyon kesa mga magulang kaya nkakalungkot isipin na ganun na ngayon. Sa masamang palad ay nabuntis si gf. Pagkabuntis kay gf ay bumalik sa mga magulang nya. Syempre ang magulang masama loob nyan kasi pagkatapos mo pag aralin ay lalayasan ka at pipiliin magsarili nun makapagtrabaho lang. Nakabukod padin sila boy at ang gf nya. Pero nun nanganak na yun babae , syempre pag apo at unang apo yan di yan matitiis ng mga magulang. Kaya naman sa bahay ng lalaki tumutuloy ang mga magulang ng bata. Di nagtagal ay pinaalis sila at pinabukod ng tatay ng lalaki. And now, malaki na ang anak nila 2 years old and dalwa sila ng gf nya may trabaho pero nasa bahay sila ng magulang ng lalaki nakatuloy dahil nawalan sila ng inuupahan kaya pansamantala daw muna sila. Pero ang masama yung salitang "pansamantala" ay walang kasiguraduhan kung kailan. Ni wala silang binabayaran. Kuryente, tubig, bahay, at kahit pagkain ay libre na sila. Dahil di sapat ang kinikita ng mag asawa. Parehas naman silang factory worker at iisa pa lang ang anak pero di malaman ng pamilya ng lalaki san napupunta ang mga sinisweldo nila mag asawa dahil malimit nawawalan ng gatas at diaper ang anak nila. At magulang ng lalaki ang taga bili syempre apo di naman kaya na tiisin ang apo. It means masyado silang pabigat mga tamad pa sa bahay mga burara. Pinili nila magsarili at magpamilya pero di nila pala kaya yun mga responsibilidad. May trabaho parehas pero wala naman napupuntahan. Suddenly, nalaman ng family ng lalaki na yun babae ay may utang na 100k dahil sa pagsasangla ng atm. Syempre nagtaka un family ng lalaki san napunta un eh wala naman napupundar pero nagkautang ng ganun. Ang problema nilang yun kargado at alalahanin pa ng magulang ng lalaki pero pamilya ng babae wlang natutulong. Pagkatapos ng sarap ay hirap. Kaya naman natutunan ko isipin muna ang magiging epekto bago gawin. Sabi nga nila masama ang sobra. Kaya yun sobrang pagtulong sa anak y magulang ang kawawa. Ps: Kapatid kopo na lalaki yun binabanggit ko dito. Anim kami magkakapatid at pangalawa sya! Pang lima ako sa magkkapatid at nag iisang babae. Pps: Sobrang naaawa ako sa mga magulang ko dahil wala pa natutulong mga kapatid kong nakakatanda sa parents namin pero nagdagdag pa sila nag alalahanin, gastusin, at problema na di nila kayang solusyunan hanggat walang tulong ng magulang namin.

Magbasa pa