Medyo mahaba po kwento ko 🤣🤣
Hi po mga mommies, may gusto lang po akong eshare about my LIP. I am now almost 39 weeks pregnant at due date ko na po a week from now.
Ganito po kasi yun mommies, yung LIP ko po is may kalive in din before at may dalawa silang anak tapos nung naghiwalay sila ng ex nya ay nasa magulang ng LIP ko yung mga bata. Hanggang sa nagkaroon nadin ng bagong karelasyon yung ex nya. Almost a year na silang break nung nakilala ko sya nang nagbakasyon ako sa tito ko. Naging magkaibigan kami sa simula hanggang sa tuluyan naging kami. I was a virgin then at sa kanya ko talaga binigay virginity ko 😆😆😆. So ayun may nangyari sa amin pero i made sure na hindi ako mabubuntis kasi wala pa sa plano ko yun. Aware naman ako about sa past nya kasi sinabi sa akin lahat ng asawa ng tito ko (which is kapatid ng LIP ko).
Noong una po ay senikreto po namin lahat dahil narin strict talaga parents ko. Pero kasi nga walang sekretong di nabubunyag kaya ayun punauwi ako ng magulang at galit na galit sila kasi daw pumatol ako sa may pamilya. Ako naman todo depensa at sinabi ko na “hindi naman sila kasal at may bago narin yung ex nya” pero di padin nagbago isip ng parents ko.
Until I decided na umuwi sa amin at nakipag break ako sa kanya. Iyak ako ng iyak habang nasa barko, panay tawag nya pero ni isa wala akong sinagot. Iniisip ko nalang na ubusin lahat ng luha nung gabing yun para bukas wala na akong mailuluha pa.
Pagdating na pagdating ko sa amin, galit ng mga magulang ko ang sumalubong sa akin at ayun sa sobrang stress ko at wala pang tulog nagkasagutan kami.
Fast forward...
4 months later, nakahanap ako ng trabaho sa amin at totally nawala sya isipan ko until one time nagulat talaga ako ng sobra nang malaman kong pinuntahan nya ako sa pinagtatrabahoan ko. Para akong naging bato na kinakabahan, di mapakali basta ewan ko ba. Nakalimutan ko na sana sya pero nung nakita ko sya ulit parang bumalik lahat. At ayun nagkausap ulit kami. Andami nyang tanong kung bakit ko da sya binablock at hindi ako sumasagot sa mga twag at texts nya. Wala akong inexplain sa kanya ang sabi ko lang ayaw ko ng gulo.
Matagal tagal syang nanatili sa probinsya namin (which is taga doon po talaga parents nya 😆😆😆 in short magkababayan lang po kami) hanggang sa naglakas loob syang humarap sa parents ko sa kabila ng masasakit na salitang natanggap niya. Naaawa ako sa kanya kasi halos isumpa na talaga sya ng parents ko pero di nagtagal unti unti sya natatanggap ng parents ko at nagkabalikan kami. Naging masaya kami for the second time na para bang walang pinagdaan. Hanggang sa nagdesisyon syang hingin ang aking kamay sa aking mga magulang dahil kelangan na nyang bumalik sa trabaho sa ibang probinsya. Walang nagawa parents ko at pumayag nadin sila. Naging LDR kami for a couple of months pero ni minsan di nawala communication namin. Hindi muna kami nagpakasal agad upang makapag ipon muna. Hindi nagtagal nakapagdesisyon po akong sumunod sa kanya at nagsama kami. Masaya ang bawat araw ng pagsasama namin hanggang sa dumating ang araw na umuwi yung ex galing abroad para kunin mga anak nila at doon inaway ako pero hindi naman pisikalan. Nag away pa sila sa harap ko na hindi ko maintindihan kung bakit kelangan pang magtalo eh, tapos naman na sila. Hindi ko narinig mga pinagtalunan nila kasi umalis po ako para narin di masali sa gulo, hinayaan ko silang mag usap. Hanggang sa umuwi ex nya at sinundo nya ako sa tito ko. Kitang kita ko sa mga mata nya ang lungkot. Hindi ko pinansin yun at hindi narin ako nagtanong.
Simula nung umuwi ex nya, lagi kong nakikitang nag uusap sila sa text at laging nagtatalo kaya tinanong ko LIP ko kung ano ba talagang problema at tila parang hindi pa nila totally natatapos yung sa kanila at sagot nya .. hindi daw sya pinapayagang bisitahin mga anak nila. Alam ko masakit sa kanya yun.
Fast forward ..
Almost 2years na kami nang mabuntis ako at hindi parin kami naikasal dahil dito sa ECQ .. schedule sana namin last month kaso daw bawal pa kasalan. Matagal na nung huli silang nagka usap nung ex nya akala ko okay nah lahat na matatahimik na buhay namin. Until last night habang nag Fb ako gamit yung account nya nabasa ko yung palitan ng comment nila sa photos ng mga anak nila na pinost nung ex nya. Okay lang namn kung about sa mga bata pinag usapan nila, pero hindi eh .. panay pang tawa at smileys na para bang ang saya ng pinag usapan nila. Basta nagkukulitan sila. Nadismaya ako that night at di ko namalayan naiyak nalang ako. Buong gabi akong naiyak ewan ko ba, napaka bigdeal para sa akin yung mga pinag usapan nila. Natulog akong masama ang loob at hanggang kina umagahan hindi ko sya kinikibo. Hindi rin ako bumangon ng maaga para ipaghanda sya sa trabaho siya nag asikaso ng sarili nya at wala akong sinasagot ni isa sa mga tanong nya. Bakit daw ako biglang di namamansin, di pa ako naghapunan parang ibang iba daw ako. Ano daw ba kasalanan nya pero wala akong gana makipag usap. Hanggang sa ready na syang pumasok sa trabaho at binalikan nya ako sa kwarto upang magpaalam. Hindi ko parin sya kinibo. Humalik sya at nag i love you pero wala talaga akong ganang kausapin sya.
Naguguluhan lang talaga kasi ako mga mommies, kung kayo po okay lang po ba sa inyo na nag uusap parin partner nyo at ex nya na para bang magkababatang miss na miss ang isat isa? Wala naman akong nabasang masama sa comments nila pero bwesit na bwesit po ako sa saya ng pag uusap nila na halos may smiley at hahaha sa bawat comment nila..
a piece of advice po mga momsh..
Anonymous