A woman’s instinct..

Medyo mahaba po kwento ko 🤣🤣 Hi po mga mommies, may gusto lang po akong eshare about my LIP. I am now almost 39 weeks pregnant at due date ko na po a week from now. Ganito po kasi yun mommies, yung LIP ko po is may kalive in din before at may dalawa silang anak tapos nung naghiwalay sila ng ex nya ay nasa magulang ng LIP ko yung mga bata. Hanggang sa nagkaroon nadin ng bagong karelasyon yung ex nya. Almost a year na silang break nung nakilala ko sya nang nagbakasyon ako sa tito ko. Naging magkaibigan kami sa simula hanggang sa tuluyan naging kami. I was a virgin then at sa kanya ko talaga binigay virginity ko 😆😆😆. So ayun may nangyari sa amin pero i made sure na hindi ako mabubuntis kasi wala pa sa plano ko yun. Aware naman ako about sa past nya kasi sinabi sa akin lahat ng asawa ng tito ko (which is kapatid ng LIP ko). Noong una po ay senikreto po namin lahat dahil narin strict talaga parents ko. Pero kasi nga walang sekretong di nabubunyag kaya ayun punauwi ako ng magulang at galit na galit sila kasi daw pumatol ako sa may pamilya. Ako naman todo depensa at sinabi ko na “hindi naman sila kasal at may bago narin yung ex nya” pero di padin nagbago isip ng parents ko. Until I decided na umuwi sa amin at nakipag break ako sa kanya. Iyak ako ng iyak habang nasa barko, panay tawag nya pero ni isa wala akong sinagot. Iniisip ko nalang na ubusin lahat ng luha nung gabing yun para bukas wala na akong mailuluha pa. Pagdating na pagdating ko sa amin, galit ng mga magulang ko ang sumalubong sa akin at ayun sa sobrang stress ko at wala pang tulog nagkasagutan kami. Fast forward... 4 months later, nakahanap ako ng trabaho sa amin at totally nawala sya isipan ko until one time nagulat talaga ako ng sobra nang malaman kong pinuntahan nya ako sa pinagtatrabahoan ko. Para akong naging bato na kinakabahan, di mapakali basta ewan ko ba. Nakalimutan ko na sana sya pero nung nakita ko sya ulit parang bumalik lahat. At ayun nagkausap ulit kami. Andami nyang tanong kung bakit ko da sya binablock at hindi ako sumasagot sa mga twag at texts nya. Wala akong inexplain sa kanya ang sabi ko lang ayaw ko ng gulo. Matagal tagal syang nanatili sa probinsya namin (which is taga doon po talaga parents nya 😆😆😆 in short magkababayan lang po kami) hanggang sa naglakas loob syang humarap sa parents ko sa kabila ng masasakit na salitang natanggap niya. Naaawa ako sa kanya kasi halos isumpa na talaga sya ng parents ko pero di nagtagal unti unti sya natatanggap ng parents ko at nagkabalikan kami. Naging masaya kami for the second time na para bang walang pinagdaan. Hanggang sa nagdesisyon syang hingin ang aking kamay sa aking mga magulang dahil kelangan na nyang bumalik sa trabaho sa ibang probinsya. Walang nagawa parents ko at pumayag nadin sila. Naging LDR kami for a couple of months pero ni minsan di nawala communication namin. Hindi muna kami nagpakasal agad upang makapag ipon muna. Hindi nagtagal nakapagdesisyon po akong sumunod sa kanya at nagsama kami. Masaya ang bawat araw ng pagsasama namin hanggang sa dumating ang araw na umuwi yung ex galing abroad para kunin mga anak nila at doon inaway ako pero hindi naman pisikalan. Nag away pa sila sa harap ko na hindi ko maintindihan kung bakit kelangan pang magtalo eh, tapos naman na sila. Hindi ko narinig mga pinagtalunan nila kasi umalis po ako para narin di masali sa gulo, hinayaan ko silang mag usap. Hanggang sa umuwi ex nya at sinundo nya ako sa tito ko. Kitang kita ko sa mga mata nya ang lungkot. Hindi ko pinansin yun at hindi narin ako nagtanong. Simula nung umuwi ex nya, lagi kong nakikitang nag uusap sila sa text at laging nagtatalo kaya tinanong ko LIP ko kung ano ba talagang problema at tila parang hindi pa nila totally natatapos yung sa kanila at sagot nya .. hindi daw sya pinapayagang bisitahin mga anak nila. Alam ko masakit sa kanya yun. Fast forward .. Almost 2years na kami nang mabuntis ako at hindi parin kami naikasal dahil dito sa ECQ .. schedule sana namin last month kaso daw bawal pa kasalan. Matagal na nung huli silang nagka usap nung ex nya akala ko okay nah lahat na matatahimik na buhay namin. Until last night habang nag Fb ako gamit yung account nya nabasa ko yung palitan ng comment nila sa photos ng mga anak nila na pinost nung ex nya. Okay lang namn kung about sa mga bata pinag usapan nila, pero hindi eh .. panay pang tawa at smileys na para bang ang saya ng pinag usapan nila. Basta nagkukulitan sila. Nadismaya ako that night at di ko namalayan naiyak nalang ako. Buong gabi akong naiyak ewan ko ba, napaka bigdeal para sa akin yung mga pinag usapan nila. Natulog akong masama ang loob at hanggang kina umagahan hindi ko sya kinikibo. Hindi rin ako bumangon ng maaga para ipaghanda sya sa trabaho siya nag asikaso ng sarili nya at wala akong sinasagot ni isa sa mga tanong nya. Bakit daw ako biglang di namamansin, di pa ako naghapunan parang ibang iba daw ako. Ano daw ba kasalanan nya pero wala akong gana makipag usap. Hanggang sa ready na syang pumasok sa trabaho at binalikan nya ako sa kwarto upang magpaalam. Hindi ko parin sya kinibo. Humalik sya at nag i love you pero wala talaga akong ganang kausapin sya. Naguguluhan lang talaga kasi ako mga mommies, kung kayo po okay lang po ba sa inyo na nag uusap parin partner nyo at ex nya na para bang magkababatang miss na miss ang isat isa? Wala naman akong nabasang masama sa comments nila pero bwesit na bwesit po ako sa saya ng pag uusap nila na halos may smiley at hahaha sa bawat comment nila.. a piece of advice po mga momsh..

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Katigasan kasi ng ulo mo ,nilalayo ka na nga ng magulang mo sa may anak na eh sumugal ka talaga at pumatol pa dapat expect mo na namimiss nila isat isa kasi naging mag asawa pa din lalo na nasa abroad pala babae at kakauwi lang ,expect mo na talaga na masasaktan ka.tigas kasi ulo mo MAHIRAP TALAGA PAG MAY SABIT AT MAY KAHATI SA MAGIGING ANAK MO HAYSSS,Sarap mo sabunutan sis kakainis ka tapos virgin ka pa pala nun nung binigay mo,yan napapala mo ngayon di nakikinig sa magulang mo

Magbasa pa
5y ago

Ganyan din kasi ako nun sobrang guilty ko sa mga magulang pinagtatanggol ko pa tas sa bandang huli nagsisi ako sana mas minahal ko magulang ko at sarili ko ,MAS MAHALIN NATIN MAGULANG NATIN AT MAKINIG SA KANILA ,BTW WALA ANAK NAPANGASAWA KO MABISYO LANG SOBRA.INOM DITO INOM DUN TAS NAHULI KO NA KALANDIAN NIYA KATRABAHO NIYA AT NAG SOSORRY SIYA SA EX NIYA AT NAGCHACHAT SILA .KAYA SANA NAKINIG NA LANG DIN AKO SA MAGULANG KO NUN

Yan po ang hirap talaga kapag ganyan na may anak sa una. Kausapin niyo na lang po si LIP niyo na hindi ka komportableng ganun sila ka-close. Dapat po pag usapan yan wala pong mangyayare kapag di kumibo. Ganyan ako pag naiinis di kumikibo dati pero natuto akong kapag may issue sasabihin ko kasi para sa peace of mind ko. Ikaw din kasi ang talo kapag di ka kumibo stress ka samantalang siya chill lang. Kung mag uusap mareresolba ang issue.

Magbasa pa

Wala ka naman palang masamang nakita sa mga palitan nila eh. May i love you ba? May I miss you ba? Wag ka maglagay ng malisya sa bawat kilos at sinasabi ng partner mo, tandaan mo may anak pa rin siya doon. Hindi ba pwedeng magkaibigan lang sila para sa mga bata? Hindi ba pwedeng ayaw lang nilang maging toxic as parents?

Magbasa pa
5y ago

May part kasi na parang may comment na dinidelete kaya di ko masyado maintindihan topic po nila. Puro lang pi hahaha at smileys nadoon.

If I were you, ganyan din mararamdaman ko, pero kailangan mo dn kausapin tlaga partner mo kung anong gumugulo sayo about sakanilang dalawa ng ex nya, mag open up ka. Ganun kasi ginagawa ko kapag may nakikita akong ginagawa ng partner ko na feeling ko mali 😂 so far effective naman, at praning lang din tlaga ako.

Magbasa pa
5y ago

Ewan ko po nawalan po talaga ako ng gana. Feeling ko po matagal na silang nag uusap ngayon ko lang po nalaman. Halata namang hindi about sa mga anak nila pinag uusapan nila po

Kasama sa package momsh. Kaya ayaw din Ng parents mo sa lalaki. .kc magulo tlga buhay pag may sabit Yung Isa. Kausapin mo n lng siya.. Ska be positive Po. D mo n KC maaalis n mag usap sila. At may chance n mag kulitan kc may pinag samahan din sila khit papano.

5y ago

Thank you momsh 😊😊😊

Mumsh wala nmn masama kung yung bata yung pinaguusapan nila. Kausapin mo yung LIP mo para masulusyunan agad yan. At baka dahil na din sa pagbubuntis mo kaya msyado kng ma-emotional

5y ago

Ewan ko mommy iba talaga kutob ko. Halata namang hindi yung bata pinag uusapan nila. Dinedelete kasi ibang cooments kaya di ko alam anong topic nila

VIP Member

Pra sken mas okay pg usapan ung kelangan ng mga bata peo qng mgkulitan prng hnd okay un.. Tell him dn pra alam ng LIP mo pra hnd ka nia bgyan ng sma ng loob..

5y ago

I’ll try po, salamat momsh god bless

hulihin mo mommy dapat alam monpss nia s messenger , dpt always nakaopen ung messemger nia s messenger.mo para kapag magusap sila nakikit mo

5y ago

ok po ikaw bhla nsa iyo rin yan kung sasaktan k at ssktan ka

VIP Member

Baka dala lang po ng hormones mo kaya ka po masyadong madamdamin. Relax lang po, buti nga po hindi nila tinatago pag uusap nila e.

5y ago

Ewan ko po kasi may mga part na kulang yun bang parang may comment na deleted kaya hindi ko masyado maintindihan pinag usapan nila puro lang tawa ..

Ok lang nmn mag usap kung about sa anak..sa needs nila..pero beyond that parang d maganda..

5y ago

Dinedelete po kasi ibang comments dun kaya di ko maintindihan yung talagang topic nila puro lng po hahaha at smileys nababasa ko