Mali ba ako/kami?

Medyo mahaba lang po. Share lang ako ng sadness mga momsh. Since naghiwalay parents ko dito na kami nagstay sa puder ng mother ko. Hanggang sa mamatay father ko dito lang kami. Nalulungkot lang ako ngayon mga momsh nagtalo talo kami kagabi kasi may nag aya na isang lalaki sa mother ko (around 5pm) ang sabi punta sila sa isang lugar, malayo sa lugar namin. Iniwan ng mother ko kapatid ko habang nag titinda mag-isa. Then around 8pm wala pa mother ko pero kuya ko na ang dumating. Hinahanap niya mother ko kasi wala nga siya, then ang sabi namin may nag ayang lalaki sa kanya na di namin kilala except sa name (actually 2 days ko pa lang nakita yung lalaki dito samin at di talaga namin siya kakilala ng mga kapatid ko). Ang sabi ng kuya ko call namin siya but cannot be reached phone ni mama. So hinanap ko yung fb nung lalaki and nakita ko sa mga post niya na nakatag ang elem classmate ko. So I checked the fb of my former classmate and nakita ko live video nila then I saw my mom. Sinabi ko iuwi na nila mother ko, kasi nga babae mother ko at ang daming lalaki sa table na nakita ko sa live. I also chatted the guy ng kung ano ano para lang iuwi si mother ko pero unseen pa din mga chats ko. Around 10 pm andito na mother ko, galit na galit kuya ko (nakainom din kasi siya) kung ano ano sinasabi sa mama ko. Galit si kuya pero alam kong concerned lang siya kasi si mama na lang ang meron kami. Pero sa ginawa naming pagiging protective kay mama parang kami pa nagmukhang masama. Isipin na lang ng mother ko, umalis siya without saying anything sa text na "andito kami sa lugar na ganto, umiinom lang mga kasama ko or mamaya gantong oras ako uwi" (di pala umiinom mother ko). Diba? Kasi mag aalala kami lalo na babae siya and kagabi sinabi niya samin "sabi ng mga kasama ko matanda na ako bakit di pa daw ako magsaya"(she's crying na that time) ok lang naman talaga na magsaya siya pero dapat may kasama! Unlike kami na kasama mga partner namin kaming mga anak niyang babae so anytime safe kami. Unlike her na wala! Kasi single mom na siya. Pero yung sayang gusto niya is pabaligtad (feeling dalaga pa) so anong masama kung magalit kaming anak sa mga ginagawa niya? Nagiging protective lang kami kasi siya na lang meron kami at magkaka apo na siya sakin! 😢😢

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Be supportive of whatever makes your mom happy. Napalaki naman niya kayo ng maayos. She also have a life of her own to live. Let her be. Ngayon nagegets ko bakit kayo nagagalit dahil di siya nagsabi sa inyo. kung ang issue nyo is because hindi siya nagsasabi,then tell her in a nice way na "ma,okay naman samin na lumabas ka. Next time,paalam mo lang samin if nasan ka and what time ka uuwi. Para di kami nagaalala. Wala naman samin ang gawin mo ang gusto mo,basta sabihan mo lang kami kasi syempre nagaalala kami sa inyo." Paliwanag mo o nyong magkakapatid na ang gusto niyo is ma-make sure na okay siya. Un lang. Kasi baka iniisip ng nanay nyo na pinipigilan nyo kaligayahan niya. Which is yun ang ipapaliwanag nyo na hindi naman kayo humahadlang sa kaligayahan niya.

Magbasa pa
5y ago

Actually hinayaan na po naming maging masaya mother ko before pero ang ending e nabuntis siya. Kaya nga over protective na kami ngayon kasi ayaw po namin ng issues and iba na ang ugali ng mga tao ngayon. Kahit sino naman po mag-aalala lalo na hindi namin kilalang magkakapatid yung lalaking nag-aya sa mama ko. Kilala namin sa mukha and name pero ang ugali hindi. Ang saamin lang po, hindi na po dalaga ang mother ko para payagang sumama sa mga ganyang gimik. Ok lang naman talaga na lumabas siya pero sana naman e yung mga kakilala naming tao ang makakasama niya. Hindi yung kung sino sino lang. Mahirap po maging supportive lalo na kung ang pagiging masaya niya e "bumabalik sa pagiging dalaga".