Okay lang ba mag skip ng gamot na nireseta ng ob?

Medjo mahal kase yung gamot na nireseta sakin ng ob ko lalo na yung Duphaston 89 pesos isa tapos 3x a day pa. okay lang ba mag skip ng ilang araw nawalan kase kame ng budget. tapos habulin ko nalang yung days kung ilang araw ako hindi nakapag take ng gamot. 2 weeks ko dapat syang iinumin kaso 5 days palang naiinom ko. at yung ibang gamot na Caltrate, obimin, folic acid. 1x a day na iinumin araw araw #15weeks1days

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nako sis. Wag kana gumaya sakin lalo na kung sobrang selan mo. Ako din reseta sakin nung buong 1st tri ko duphaston 3 x a day. Kaya butas butas talaga bulsa. Pero nung sinubukan kong mag stop dahil lang sa sinikmura ako partida isang gabi lang yun ah pero pag gising ko nung madaling araw nag spotting na agad ako. Kinabukasan nagpa ultrasound agad ko dun ko nalaman may internal bleeding pala ako. Kaya sabi ni Ob wag na wag akong mag skip ng pampakapit. Maigi pa siguro sa ibang vitamins kasi pwede naman ibawi mo sa healthy foods.

Magbasa pa
3y ago

ok naman yan mi basta walang bleeding.