Sino ang mas may kasalanan?
786 responses

I wanna share my experience: Nangyari sa amin iyan ni hubby ko kaya sangkatutak na pangongonsensya ang natikman niya sa akin at Black-eye (pinigilan niya kasi akong magwala noong malaman ko. sa lakas ko, nasiko ko tuloy ang mukha nya. ) Wala na siyang naitago sa akin dahil inihayag sya mismo ng Ama after ng wedding namin. Masakit sobra. Kasi kahit LDR kasi kami from bf to fianće, naging tapat ako sa kanya, walang ibang lalaki. Salamat sa Diyos, narealized din niya yung mga pagkukulang niya sa akin, so para makabawi sya, sya ang nag-lead ng prayer naming dalawa. Then, Pinagsorry ko sya sa babae via phone call (loudspeaker pa) dahil naging bad influence sya. pinagconfess ko sya sa parents niya na pinagalitan din sya, at sa mga kaibigan niya na nakaalam ng issue at pinagsabihan din sya. Hindi ko na kinausap yung girl kahit gusto ko, kasi waste of time ko lang. It turns out na nilalandi niya yung bf ko (hubby ko na ngayon) while she's in a relationship. Ngayong okay na kami ni hubby, I tried to stalk her. Mukhang may gap na sila ng bf nya kasi wala na yung couple pics nila sa kanilang mga highlights. Sure akong may natirang kahihiyan sa kanya (kahit na mas matanda sya sa akin at halos ka-age niya si Hubby (6yrs gap namin) kasi hindi niya nakuha yung gusto niya (si Hubby ko) Siguro niloob ng Diyos na solo sya ngayon kasi niloko niya rin si hubby ko noon. Ngayon, excited kami ni hubby and both family sides and friends, kasi magkakababy na kami! ☺️
Magbasa pa


