Mataba ako pero..
mataba ako pero bakit wala pa masyadong baby bump? magpa-5 mos na tummy ko.. akala ko ba sa mga papayat lng nangyayari yung wala masyadong baby bump. parang bilbil lang e. hehe
Same po hehe pero 6 mons halata na talga tyan ko hndi na sya parang bilbil kase mejo matigas na compare sa bilbil...ngaun lalo nanaman ako tumaba 8mons nako at mukha daw ako overdue na haha..sabe naman ng doctor kulang pa nga timbang ni baby...2.3 kase sya ngaun dapat man lang 2.5 so tinanong ko ano dapat gawin sabe lang nya kaen lang daw ako pag nagugutom, sabe ko naman kaso doc ako yung tumataba haha...ok lang naman daw. Puro taba lang daw tyan ko kaya malaki...as long as ok si baby wala problema
Magbasa pachubby ako, kaya halos 6-7mos na lumaki ung tsan ko hahaha! unlike sa payat na kitang kita at depende pa un kung lalaki o babae baby mo, pag lalaki kasi patusok e, pag babae paloob ung baby.
my friend din po ako 5mos na pero ang tyan nya flat pa din prang di nga buntis eh. pero as long nag ppacheck up ka po at ok nmn si baby wla nmn sguro pong msma dun hshe
Same sis 5months na tummy ko pero parang bilbil lang hehe. Sabi ng OB ko may ganyan daw talaga case na hindi lakihin ang tiyan pero normal size ang baby and healthy🤗
Mas obvious ang baby bump sa payat kasi nga payat sila, so pag lumobo ang tiyan, kitang-kita. Pag sa chubby kasi nagmumukhang fats lang yung baby bump.
Same tayu ganyan din ako parang normal lang tummy ko bilbilin din kasi ako before pero pag ka 5months ko nagkababy bump na po ako
Saken halos mag-22 weeks na sper halata na bump ko, Hintay ka lang sissy pagmalaki na bump mo ngalay na palage yang balakang mo
Same po tayo sis. Chubby din kasi ako . 5months tummy ko parang bilbil lang biglang laki niya nung turning 7months na .
Ganyan din ako nun. Parang normal na busog lang kasi chubs. Haha. Pero ok lang yan as long as healthy kayo ni baby!
Depende po sa body type po yan mamsh. Pero as long as nasa right weight si baby sa loob,okay lang po yun. 🙂
Octoberian here.