Kmusta kayo Mommies ng Team May?

Masaya lang po ako kasi nung 1st trimester ko sobrang hirap ako pero ngayon halos 10 weeks nalang mailalabas na natin ang ating mga baby. Nakakatuwa. Ready na ba hospital bags nyo? Ako kasi hindi pa pero researching na rin naman. Hoping na okay and healthy ang mga Mommies and babies ng Team May. God bless us all mumshies!

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy! Same tayo sobrang selan ng 1st tri. Suka here suka there. Akala ko hanggang 9 mos na buti nawala din after 18 weeks. Napatigil pa ko sa work dahil dun kaya eto kulang pa mga gamit ni baby. No regrets though kasi rainbow baby ko to kaya worth it na din pag-give up sa lahat maalagaan lang si baby. Recently lang, I had contractions sabi ni ob baka dahil lang sa stress kasi ok na ok sya based sa utz. 28 weeks na kami. Konti na lang. By 32 weeks, maglalaba na ko ng lahat ng nabili kong gamit. Back to zero kasi ako 7 yrs old na si panganay kaya mga bago lahat ng gamit nya wala naman nagbibigay ng hand-me-down stuff baka napamigay na din nila sa iba. God bless sa atin, Team May! May we all have a safe and healthy delivery!

Magbasa pa
1y ago

nakakatuwa diba po. kala ko rin di ako makaka survive sa pagsusuka nung 1st trimester pero buti nalang nakasurvive 😊 congrats satin and God bless po mommy!