Masamang epekto ng pagligo sa gabi
May masamang epekto o ba ng pagligo sa gabi? Kasi ako every night ang ligo ko. 8pm or 10pm po minsan. Ang sarap kasi maligo sa gabi e. 😅Ang init kaya!

Ang pagligo sa gabi ay maaaring makatulong sa pagrerelaks ng katawan at isipan, na nagtataguyod ng mas mahusay na pagtulog, ayon sa pahayag na rin ni Dr. Willie Ong. Malaking bagay ang pagligo sa gabi sa pag-aalis ng dumi, oil, at pawis sa katawan. Kung saan, ang pagiging malinis sa katawan ay isang factor ng pagkakaroon ng malusog na balat.Nakakatulong ang pagligo sa gabi para magkaroon tayo ng relaxation. Dahil ang maaaring makatulong ang pagligo na mabawasan ang stress, at anxiety sa pamamagitan ng pagpo-promote ng pagpapahinga at pagkakaroon ng kalmadong pakiramdam. Ang pagligo sa gabi ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng temperatura ng katawan, na maaaring makatulong para makaramdan ng antok at mas mapahusay ang kalidad ng pagtulog.
Magbasa pa

