Pamahiin
May masama po ba kung bbili na ng gamit ng baby kahit wala pa 7 months? andami po kse nag sasabi na dpat dw 7 months pa bago bilhan. π₯
Mas masama kung wala kang pambili at walang nakahandang gamit ni baby . Wag ka maniwala sa sabi sabi . Sabi nga ng ob ko dapat nga daw 7 months kumpleto na gamit ko in case emergency ..
Wla nmn masama sis kung gsto munang mamili kahit ilang months pa tummy mu, ako 7mons lng tlga ako nagsisimula mamili, ewan ko ba cguro dahl probinsyana ako at laki pa sa lola at lolo.
Di naman. Namili ako ng gamit ni baby ng 4/5 months pa lang ako and kahit di ko pa alam gender ni baby. Mas okay ung ready and take advantage ng mga sale para makatipid. :)
Wala po masama dun mommy, Ako po 4months palang nabili na ng paonti onti para di masyado mabigatan. 7months na tummy ko now π mas tipid po pag dahan2 na nakabili.
If may budget na to buy things for baby, no naman po. Maganda din na unti untiin ang needs ni baby para di biglaan ang gastos.
Nko. Sabi2 lang yan. Maging practical mas maiging malayo pa ang due mo unti2in mo bumili sis para di ka mabigatan sa gastos.
Think positive over pamahiin lang mommy! Mas maganda makapag prep na din ng maaga lalo na sa panahon pa natin ngayon:(
Not true sis. If may budget naman na why not? Better na prepared kesa magahol, kahit pakonti-konti lang. :)
As long as alam muna yung gender wala namang masama 4 months here may mga nabili narin kahit papano.
thank you po sa inyo! β€οΈβ€οΈ nag start na po kse ako magipon ng gamit nya kahit papano hehehe