Right decision?
mas okay po babg sabihin nalang sa magulang na buntis ako o mas okay na hayaan nalang nilang mahalata? pls share experience.
Sabihin nyo po. Same situation po tayo back then nung bunyis ako takot na takot ako ipaalam sa parents ko, as in sobra ang takot ko sa papa at mama ko. Lakas lang ng loob. At first, magagalit talaga sila sayo, nastressed pa ako that time kase naiiyak ako kada alala ko. Pero nung moment na nanganak na ako, sobrang happy nila na nakita ang apo nila. I’m forever sorry for my parents for what I had done. But thanful kase natanggap nila. Kahit anong galit nila, dahil anak ka nila tatanggapin nila yon. I sweaaaar. Just be honest, sincere and be sorry. Think of your baby’s needed check-up.
Magbasa paSabihin mo. Para my gumabay sayo.. wag ka matakot ganon talaga magagalit sila, at baka pagsalitaan kapa ng kung ano pero tanggapin mo, consequence yan ng actions mo, learn from it at wag mo pabayaan anak mo. Dalhin mo din ung nakabuntis sau,pati magulang nya kung minor kayo para maguide kayo at maplanuhan kung paano set up nyo like, gastos, pagpapaanak, titirahan kumg saang side, mga gamit na bibilhin etc.... Godbless..
Magbasa pathank you sa advice 💕
17 po ako nung nabuntis, tapos kaka turn ko lang ng 18 nung march. Nung medyo medyo nahahalata napo ni mama ko, nag decide na din po kami sabihin. Syempre sa una po makakarinig ka talaga ng masasakit, pero alam ko po na masakit din talaga sakanya. Yun po, totoo pong hindi talaga matitiis ng magulang ang anak. Currently 34 weeks po🥰 Pag ready kana mamsh, mas okay na sabihin nalang po. Godbless po!
Magbasa pathank you mamsh, take care 💕
Mas maganda na sabihin mo momsh nakakasama din nang loob yang pag lilihiman ka. Aminin mo nalang habang maaga pa isipin mo mararamdaman nila pag nilihiman mo anak ka pa naman nila ako wala na akung parents peru di ko nilihim kina kuya na buntis ako at ngayun masaya ako nalaman na supportado nila ako. Kaya habang maaga pa sabihin mo na ikakasaya din nila yan kasi mag kakaapo na sila.
Magbasa paty mami anj
Mas okay po kung sabihin niyo momsh, baka may advice pa sila sa pagbubuntis mo. Lalo na yung mga bawal kainin at bawal gawin ganun. Saka Di naman talaga maitago yan. Malalaman at Malalaman din nila na nagdalang tao ka. Kung ano man maging reaction nila, hayaan mo na ang mahalaga nagsasabi ka sa kanila.
Magbasa pathank you mammi 💕
Sabihin mo na po agad. Ako noon sinabi ko agad nung nalaman ko eh, kahit alam kong papagalitan ako. Tinanong ko si papa ngayon, pano kung di ko agad sinabi sa kanila. Sabi nya mas nakakagalit daw kapag ganon. Kaya momsh mas okay po na sabihin nyo na agad.
ty momsh
SABIHIN MO NA. duon din naman papunta, kung mapagalitan ka, ay ganun tlaga tanggapin mo na lang kasi magulang cla, ganun ka din nman magiging magulang ka na din kaya intindihin mo na lang. Samahan mo ng PANALANGIN na maging maayos pa din ang lahat.
thank you💕
I was 19 when i got pregnant. At first di ko pa sinabi sa parents ko, 'til one day nahalata nila. Pero ready na ko sabihin nun. Naunahan lang ako. Tell your parents agad. Para mas lalo ka maalagaan. Bawas stress din pag nasabi mo na .
ty mommy
mas okey na sabihin mo nalang,been there nadin po,and nung pagkasabi ko saknila they somehow knew it already kasi minsan nahalata pala ko ng father ko na nasuka ko sa banyo after kumain,and mukhang pagod lagi,better sabihin mo na
ty sisss
Pinakatamang gawin ay sabihin sa magulang mo 😊 Maging open ka sa kanila para habang maaga pa, matulungan at maalalayan ka din nila sa pagbubuntis mo. Be honest to them, malay mo hinihintay na lang talaga nilang magaabi ka.
You're welcome 😊
Kurt Zayden’s Mommy