?

Mas okay po ba kung online bibili ng mga gamit ni baby?

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa panahon po ngayon momsh parang mas ok. check mo lang mommy yung mga reviews nya bago ka bumili. pero ako momsh mga damit lang muna ang binili ko online. pag sabon ni baby try ko muna sa supermarket or malls magpabili kasi diko pa alam aling brand ang bibilhin ko na hiyang kay baby kaya maliit muna ang mga bibilhin ko

Magbasa pa

yung mga damit sa mall binili ni hubby kasi syempre maselan pa balat ni baby, dapat masalat talaga yung texture ng damit (halos puro organic ang binili ni hubby) . pag online kasi minsan magaspang yung texture. pero yung ibang gamit like diaper etc, pwede naman online.

ok lang naman, mas convenient. Lalo na ngayon, yun nga lang, dimo ma raramdaman yung feeling na ikaw yung mismo mag iikot sa mall para tumingin ng gamit ni baby 😂 lalo na kung FTM. Pero nasayo pa din yun mamsh kung ano nasa puso mo 🤗🤗

VIP Member

sa panahon ngayun .. mas mainam talaga sa online muna di pa kasi safe kung mall or kung saang tindahan ka mamimili sa ngayon .. pero kung wala pandemic mas maganda kung personal mo nakikita ang product kasi makakapili ka ng maayos ..

Mas okay of personal kasi masasalat mo texture and sure na okay ung quality. Medyo mahirap sa online kasi minsan iba ang pics sa actual. Always check the reviews na lang siguro and chat the seller para ma-sure na okay ang quality.

Ako mas prefer ko mall kc makikita ko tlga yung product. FTM din ako, d mo ma explain yung feeling habang namimili ka ng gamit. Advice lng, if pupunta ng mall make sure weekdays para konti lng tao sa mall.

Pwede naman po lalo na sa situation ngayon, delikado lumabas lalo na mga buntis, pero para sakin mas maganda padin pag actual mo makikita yung bibilhin mo para din makita mo kung maganda yung quality nya.

VIP Member

Sa situation ngayon, oo, kasi napakdelikado lumabas dahil sa virus. Ok naman ang online shops, basahin mo lang ung reviews para makasigurado ka sa quality ng bibilhin mo.

VIP Member

Although mas better kung nakikita mo sa panahon ngayon mas safe po kung sa online just always check the reviews po para sure na ok yung product na bibilhin mo😊

Ok naman online except sa mga baby gears like crib and stroller. Baka kasi madeliver sayo kulang ang parts, may dents at sira. Mahirap isoli pag malalaki.