Manghihingi lang sana ako ng suggestion. Kc umoo na ang biyenan ko na magaalaga sa baby ko dahil babalik na ko sa work. Ang problema lang eh d ko lagi mkakasama c baby dahil iuuwi rin daw saknila ung baby ko. Eh ayaw ko malayo c baby ko sakin. Gusto ko paguwi ko makita ko ang baby ko. At ayaw ko yung environment sa tinitirhan nla. Una dahil may aso sila. One time na natulog ako dun, bigla ko nakita yung garapata sa hinihigaan ng baby ko. Kaya buong gabi ako hindi natulog pra bantayan c baby. Nagkalat na ata ung garapata sa bahay nila dahil matagal na yung aso na un. Pangalawa malamok at malangaw rin. Uso pa naman ang dengue. May maliit rin na daga. Kaya paranghindi rin ako kampante. Mpapagod rin ang asawa ko maghatid sundo samama nya eh malayo pa naman ang bahay nla sa bahay namin. Kapag yaya naman, mkakasama ko lagi ang baby ko. At isasama ko sa trabaho pra cgurado ako na hindi nya sasaktan yung baby ko. Sa tingin nyo?