Pahiram ng gamit ng newborn

Manganganak po kasi ang kapatid ng asawa ko sa august at gusto nya po sanang hiramin ang mga newborn na gamit ko. Preni-prepare ko po kasi yun sa panganganak ko din this November. Okay lang po ba ipahiram? Hindi naman kaya bawal ayon sa pamahiin? Salamat po sa sasagot.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman sa pagdadamot mi, pero kung ako hindi ko ipapahiram. Kung nakakaluwag naman pwede siguro bigyan ng isa o dalawang set pero hindi hiram kundi bigay na. Ayokong napaglumaan na ng iba yung gamit ng anak ko saka ko plng ipapagamit sakanya to think na sakanya naman talaga. Ang lagay parang anak ko pa nanghiram niyan . Isa pa sensitive ang mga newborn mi hindi pwedeng hiraman. Wag ka maguilty na humindi sa hipag mo isipin mo si baby mo. 🙂

Magbasa pa
1y ago

para saken, hindi ko na po poproblemahin yung problema nila. kasi manganganak ka din. kapos din kame ngayon ng mister ko kaya nanghingi lang kame ng baru baruan ng baby sa mga kumare ko. pero hindi na yun ginagamit ng anak nya kasi 3 yrs old na anak nya kumbaga nastock na lang. plan namen bilihan sya ng gamit once maliitan na yung baru-baruan. pero since may budget kayo at naprepare nyo na gamit ng baby mo. kung ako, di ko na problemahin baby nila duty na yun ng tatay ng baby. yung magtanong na pahiramin mo muna ng gamit to think na buntis ka din is nakakahiya na sabihin. dapat naisip na nila yun. pwede mo sya bigyan ng onti as help pero hanggang duon na lang. hindi na para mag exert ka pa ng todo effort to please them. pwede tayo tumulong ng kaya lang natin. hindi para macompromise ka pa or mag adjust ka pa ng sobra. point ko lang naman to. wag papastress po.