hi magtatanong lng po ako 38weeks na po ako buntis pero hindi po ako sure kung kailan po tlga ako

manganganak kase pa iba iba po kase result ng ultrasound ko yung una kong ultrasound October 19 daw po EDC ko, taz yung pangalawa kong ultrasound October 14 naman, nag pa check up din ako non sa private ob na doctor hndi rin tugma sa due date ko sa ultrasound kase 28 weeks na dapat tummy ko nun kase yun ang result sa pangalawa kong ultrasound pero sa kanya 26 plang daw po sabi taz nag punta na nman ako sa center kahapon ang sabi don October 23 daw due date ko nkakalito ns po kase diko alam kung ilang weeks na po tlga tummy ko kase nag aalala ako bka ma over due ako taz hindi ko pa po alam eksaktong bilang ng pagbubuntis ko kung ilang weeks na po tlga tummy ko ngayon kase 37 to 40 weeks daw ang normal na panganganak pero hanggang ngayon no signs of labor pa rin po ako sumasakit lng puson ko pero nawawala din taz parang naiihi ako lagi, ilan weeks na po kaya tummy ko at kung kailan ako dapat pumunta sa hospital #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang maisusuggest ko lang is to wait lang po talaga. Ang edd kasi natin estimations lang naman po yon, guide lang po natin. Base on your utz naman hndi naman magkakalato yung edd mo. Pupunta lang po kayo sa ospital kung masakit na masakit na ang tyan at balakang nyo, pwede din namang magpa induced na kayo. Try nyo po himasin tyan nyo hanggang sa tumigas ng tumigas and nipple stimulation po

Magbasa pa
3y ago

Oks lang yan Mommy. Wag masyadong magpaka stress baka lalong hndi lumabas si baby hehe. Ako 40w4d non pero sa record ni baby sa ospital, 38w2d si baby. Pag may mucus plug na lumabas, sign na po na open na cervix nyo