Anterior placenta.
Hello mamshies 20 weeks and 3 days napo ako ngayon hindi kopo sya maramdaman na laging gumgalaw araw araw kung gagalaw man po saglit lang. Ask lang po mostly po pag anterior placenta ilang weeks po sla mas magiging magalaw sa tummy mga mamshies? God bless po thankyouu sa mga sasagot🙏🏻
Anterior Placenta po mommy, it means nasa harapan po ng tiyan niyo ung placenta niyo same with my case😊 kaya ok lang po na hindi natin masyado maramdaman si baby😊Kung posterior placenta namn po nasa likod po ng tiyan, mas mafe-feel mo yung galaw ni baby😊
Anterior Placenta din po ako. 14 Weeks ko, Feel ko na pitik pitik then nung pag pasok po nung 20 Weeks, Active na po talaga sya, magalaw po. 22 Weeks & 4 Days na po ako today💙
Hi po mamsh.31 anterior din placenta ko po. magalaw nman po baby ko. pero nararamdaman ko na tlga na sobrang galaw nya na parang nanununtok o nanadyak is 24 weeks po.