negative?pero may symtoms ng pag bubuntis.

Mamshie ask ko lang po bakit po ganun naramdaman ko naman po ang symtoms ng preggy pero pag gamit ko ng pt kanina negative. Bakit po ganun? Mahal na nga po na Pt binili ko negative pa din ang result pero may morning seakness namn po ako.

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Una, pwedeng buntis ka, i think dahil lang sa PT na gamit mo kaya nagnenegative. Para sakin kasi mas effective ang mura kesa mahal kasi dati nung nagPT ako, isang mura at isang mahal binili ko. Both positive naman pero yung mura ang may pinakamalinaw ang result. Pangalawa, pwede hindi ka talaga buntis, kasi halos parehas lang po ang symptoms ng buntis at malapit nang magkaroon. Kung regular po ang period niyo, hintay po kayong madelay ng 1 week. Kung irregular po kayo, best niyo po sigurong gawin is PT by blood testing.

Magbasa pa
VIP Member

May mga times talaga na hindi agad agad nadedetect ng PT if buntis ka. Try mo ulit nextweek mag PT, yung unang ihi mo sa umaga pag gising mo kase mas mataas ang HCG ng unang ihi sa umaga and 2x to 3x mo gawin yung PT for more accurate result. If negative padin, mag pa trans V ka nalang kase dun wala talagang palya ang resulta :)

Magbasa pa

Ganyan po yung akin. Negative sa lahat ng pt. Pero nung nagtry ako sa ob ko and 6 weeks pregnant ako nung nalaman ko. Depende daw po yan sa hcg kasi may mga tendency na mababa pa talaga ung hcg. Pregnant na pala ako. 5 months pregnant here.

ganon din po ako. lagi ako naloloko ng ganyan. yun pala parating lang ang bwanang dalaw ko. πŸ˜… maliban sa ramdam ko mga symptoms dala nadin siguro ng gusto ko nang magkababy ulit kaya pt ako ng pt. πŸ™ƒ

Hi sis, if delayed kna and nrramdman m ung mga symptoms ng buntis,, pwdng pregnant k nga. Bka mbba p ang hcg m s urine kya nagnnegative s pt. Try serum test, mllman m agd kung pregy k or not.

Before ganyan nangyari sakin, nakunan na pala ako sa 1st baby namin. Better to consult your ob kasi pag nakunan ka nga, need iraspa.

Pero halos same kasi symptoms ng pms and pregnant. Pero para sure pa blood serum ka nalang.

Serum PT po gawin nyo. Or punta po kayo sa OB para macheck po sa ultrasound.

Try nyo po mag pa serum test or trans v ultrasound for accurate result mamsh

Same ,dami ko na din symptoms ,, ilang months na po tummy mo sis?

Related Articles