39weeks via lmp edd 37weeks via latest utz edd
Hi mamsh pa rant lang po akoπ im currently 39weeks based on my lmp edd at nahuhuli ng 2weeks yung growth ni baby kasi based sa utz nyang last is 37weeks palang sya so yung ob ko nag decide na ma cs ako since na xray ako at mataas padin daw si baby btw magkasama kami ng partner ko. Pumayag sya sa scheduled cs ng dec 20 after namin makauwi kinabukasan bigla syang nagsabi sakin na bakit hndi daw ako maglakad lakad which is ginagawa ko naman para daw bumaba yung baby at ma i normal ko. Pinapaliwanag ko sakanya na baka mahirapan ako ganun din sabi ng ob at madaan sa ecsπ pero, ayaw nyang maniwala at pinipilit padin akong mag normal delivery dahil nga mas mura daw. Mas naniniwala pa sya sa sabi sabi ng mga katrabaho nya kesa sakin lagi nakong nasasaktan verbally and emotionally sobrang abused nako. Lagi akong sinusumbatan na wala daw naitulong pamilya ko. Pero, sa panganganak ko nagbigay ng 10k papa ko para hati sa bill pero ang kaso, 27k ang bill gusto ng partner ko na hating hati dahil wala daw naambag pamilya ko simula nabuntis ako. Sobrang sakit sa part ko yun na wala naman kasalanan parents ko pero bakit pati sila dinadamay nya. Proud parents ko sakanya kasi nabibilhan nya ko ng gamit ni baby pero di nila alam na kinikimkim ko lang lahat ng panunumbat ng partner ko. Sobrang sakit na ng naririnig ko sakanya kaya sinabi ko pag kakuha ng maternity ko ibibigay ko yung 3500 para patas na ako na pupunan ng kulang sa hati kung yung yung magpapatahimik sa kanya. Hindi sya ganito dati. Ngayon lang lumabas ugali nya. Sobrang stressed napo ako kasi iniisip ko kung hintayin ko pang mag labor ako baka maka poop na si baby sa loob at magkasakit pa. Pero, dinya maintindihan. Akala ng iba maswerte ako kasi napoprovide nya lahat. Pero, diba once na nag asawa ka natural lang na lalaki ang magpoprovide. At hindi na damay magulang ko don pasalamat pa dapat sya kasi buti pa papako nagshare ng 10k kahit hindi nya responsibility yon πππ sobrang hirap ng dinadanas ko. Hindi ko pinagsisisihan na nabuntis ako pero nagsisisi ako na sya yung tatay kasi kawawa yung baby koπππ#advicepls #firstmom #firstbaby