To CS or not to CS - 38w2d
Hello mga mommies, I’m currently 38w2d, EDD ko is Dec 16 via lmp and 1st transv utz. As of now wala pang sign ng labor amd last check up ko was Nov 29, inIE ako that day, close pa cervix ko pero nakapwesto na daw yung ulo ni baby. Inultrasound din ako same day to check yung level ng amniotic ko, normal naman, no cord coil, 2.7kg EFW. Ang concern ko lang is, hindi daw nagpapaanak yung OB ko ng lampas 40 weeks dahil mas mataas daw ang chance na makapoop na si baby. Eh diba may allowance naman yon na up to 42 weeks? Pano kaya pag ayaw pa lumabas ni baby? Ayaw ko ma CS kasi normal naman ang result ng ultrasound ko and so far wala din ako complications based sa mga labtests ko. Ayaw ko maCS ng dahil lang don. Medyo hassle na din po sa part ko magpalit ng OB kasi yung OB ko, tita sya ng husband ko and sa lahat ng nabuntis sa family nila, sya ang naging OB at di sya naniningil ng PF. If ever man ma CS ako, mas makakamura naman kami although yun recovery kasi yung mahirap unlike pag normal delivery. Need your inputs mga mommies, malapit na din kasi ang due date ko and close pa din cervix ko. This Tuesday pa ang next check up ko and moment of truth na din to decide if magpapaCS ako or hindi pag talagang no labor sign pa before mag 40 weeks. Is it really risky pag lumagpas ng 40 weeks? Considering na normal naman ang latest utz and labtest ko (no complications sakin and kay baby)