9 Replies
sabi nung OB ko after 45 days pwede na. pero nakadepende parin yan sa paghilom nung sugat.. sa case ko na man matagal bago nawala yung bleeding ko mga 1 month tapos yung sugat nag open kasi after 2 weeks yata natunaw yung tahi nakalimutan ko na.. pero kahit after 45 days masakit pa rin parang nandun parin yung hapdi nung sugat kaya nakadepende talaga sayo yan mamsh
depende sayo mamsh kapag kaya mo na. and fully healed na ang tahi. ako nun 5months after giving birth bago ako nakipag do kay hubby shokot kase ako baka magsugat ulit yung tahi 😅
depende po sa comfort mo sis. ako nun nanganak Jan 24, then 1st do namin ni hubby after manganak katapusan ng Feb sakto wala na rin akong lochia nun at totally healed na yung tahi :)
yes sis, pero may hapdi pa rin para kang devirginize ulit gamern haha kasi kahit na hilom na yung tahi may bakas pa rin ng pagkasensitive 😅 kaya nakadepende talaga sa comfort ng babae at paguusap nyo mag-asawa :)
Nakadepende mommy sa katawan mo if kaya na.. sa 2nd ko after 6months pa.. ngaun 2weeks plng after ko manganak sa 3rd ko, plano ko after 6months din para fully recovered na..
ung 3 weeks palang after kong manganak gigil na si Mr. haha.. jusko shokot dn ako at baka mag baby nanamn kmi.
6 weeks po pwede na basta fully healed na po ang tahi pero mas okay if months
Same case tayo. NagDokami ng partner ko 4months na kong nanganak
depende sayo mi if kaya mo na pati yung tahi magaling na
kmi 1yr kasi ofw si hubby eh hahaha
Anonymous