PAMPADAMI NG GATAS
Hi mamsh. Humina po ulit gatas ko. 1 month na po si lo. Nakakaawa wala na po ata madede saken. Comment kayo mga pampadami ng gatas bukod sa paghigop ng sabaw ng malunggay. Comment din kayo brand ng malunggay capsule na sure kayong effective talaga. Unang try ko natalac. Naubos ko yung sampu nung una then tumigil nako sa pag inom. Mga 3 weeks siguro akong nag stop tas ngayon nagpabili ulit ako kaso mukhang di na effective saken :((((. Help po pls
Mommy padede mo lang. Ako nun 1 month din baby ko feeling ko ang konti ng gatas ko kasi pumayat din sya from 2.7 nung pinanganak ko naging 2.4 na lang nun 1 month. Muntik na ako mag mix pero ayaw ng pedia. Sige lang padede. Eventually lumakas din ang gatas ko nung succeeding mos ni baby nag gain na sya ng weight. 2 natalac a day iniinom ko sabay. Nag oats din ako, gatas na may milo, ulam na may sabaw ganyan. Now 2 natalac a day and chia seeds nilalagay ko sa inumin kahit 1 kutsara lang. Hindi na yung talagang nagkukumahog pa ko sa mga sabaw sabaw. Enough naman ang gatas ko. 1 kilo a month padin ang weight gain ni baby 6 mos na sya. Kain ka din pala masustansya, kanin ulam ganyan gulay kung meron, wag ka papagutom kasi gutumin ang nagpapadede. Inom madami tubig. Mani pala mommy parang napansin ko lang malakas gatas ko pag kumain ako nun try mo lang din hehe. Sensya na mahaba comment ko sana makatulong. Nag struggle din kasi ako sa pagpapadede.😁
Magbasa pa2weeks ako hindi nakapag padede kay lo nung first week nya kasi uminom ako ng meds, high blood po kasi ako. Nag pump lang ako habang naggagamot para di matuyo gatas ko.Stay hydrated po. Kain ka masusustansyang pagkain, green leafy veggies. Yung hubby ko masipag magluto ng may sabaw with malunggay lagi. Ako po walang iniinom na product for lactation, pero malakas gatas ko. Tsaka unli latch ka po. Tyagaan lang po talaga. Minsan stressful talaga, pero dapat keri lang for baby.
Magbasa paAko po gulay at sabaw lang talaga. Nilagang buto2x na karne at madaming gulay. Pag kumakain ako ng ganyan, kinagabihan, magang2x dede ko. Lalo na pag baka mommy. Super pampagatas. Kung malapit ka sa SM, palagi ko binibili yung beef suriyaki cut na naka balot, may 100 lang na balot nun, grabe sobrang dami ng gatas ko kahit grill ko lang yun sa kawali kasi manipis lang naman yun parang bacon cut.
Magbasa paMomsh, relax ka lang, breast feeding is supply and demand. Ako malunggay leaves everyday nilalaga ko at hinahalo ko sa hotchoco ko everyday, well hydration, at good diet, till now my good supply pa din. Minsan kasi ang nagpapahina ng supply natin, kawworry natin na wala o mahina ang milk supply natin, kailangn natin din magrelax, (11 mos ebf)
Magbasa paUminum lang kayu ng gatas with oats ramihan nyo mga half litter taga inum mag kakagatas talaga kayu. Ako nga di ako kumakain ng kanin oats lang talaga with gatas, half litter taga inum . Ngayun palaging sumasakit dede ko kasi palaging puno
Na formula ko pala baby ko for 2days nung una kasi wla akong gatas kaya yan ginawa ko
Kain ka ng oats, tas leafy veggies aside from malunggay. Di dn nmn masama magtry ng lactation drink and cookies.
Try lactablend mommy, un effective sakin 8mos na si baby EBF pa rin kami. And stay hydrated lang palagi :)
Sis suggestion ko po inom ka m2 malungay tea or mother nurture na coffee or chocolate drink.
Nag try po ako nyan. Oorder sana ako ulit kaso out of stock na. Antay pa ako after new year sayang
Pano mo po nasabi na wala ng nadedede sa inyo si baby? Is baby mix fed? Or pure breastfeed?
Pure breastfeed. Nag pump kase ako kakarampot lang lumalabas hindi tulad dati
Ferelac po na malunggay capsule. Effective sakin. 1 day lang tulo gatas ko
pregnant for my 2nd baby..