Away?

Mali ba pag bawalan ko mister ko sa kakainom?parang sakal na sakal na sya kulang nalang magbuhay binata na sya, ang hirap kse sknya pag nakakainom sya nagaaway kami lalo pag napapasarap sya sa mga kainuman nya,syempre ikaw mapapaisip karin na baka mamaya magkamali sya iba na panahon ngayon maraming babaeng pumapatol khit may asawa na,hindi naman sa walang tiwala,selfish naba ko mga momshy dhil binabawalan ko sya khit nagpapaalam sya?

45 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Dati ganyan din ako nung di pa ako buntis. Pinag babawalan ko siya kase nga iba nabibigay ng mga katrabaho niya na influence sa kanya. Pero ngayon pinapayagan ko siya basta magsasabi siya para di ako maghihintay ng matagal tapos siya nasa kainan or inuman na pala. Pumapayag na ako now kase siya nalang naman nag wowork para samin so parang reward ko na yun sa kanya basta lagi ko siya pinapaalalahan na wag magpapagabi masyado kase wala akong kasama. Hinahayaan ko din siya kase gusto ko malaman niya na may tiwala ako sa kanya, siya na ang bahala kung sisirain niya yung tiwala ko at relasyon namin para lang sa panandaliang saya. Nag away na din kami before dahil sa babae at pag iinom niya, na ayaw ko ng maulit ngayon. Lagi ko sinasabi sa kanya na okay lang mag saya pero dapat isipin niya din na may asawa siyang naghihintay sa kanya. Tsaka ngayon na mag kakaanak na kami nasa kanya na kung ano bang plano niya, kaya hinahayaan ko siya kase dun ko malalaman kung ano ba talaga ang plano niya para samin. Patience din talaga kailangan sis. Minsan nakakapuno din talaga kaso minsan kailangan din natin intindihin ang need nila to relax. Ngayon nag stock nalang din siya ng beer niya dito sa bahay para kapag bored siya from work, iinom nalang siya dito while playing games or watching videos ganun nalang gawain niya, minsan nalang siya nasama sa lakad ng mga kawork niya. Kausapin mo nalang din siguro si mister mo about your concern. Maiintindihan ka rin naman niya, and need din natin silang intindihin minsan. Godbless sis πŸ˜‡

Magbasa pa
VIP Member

Bago ko makilala si hubby talagang suki na sya sa mga bar at iba pang inuman, sya pa madalas gumastos pag umiinom sila. Simula naging kami sinabihan ko sya na kung mahal mo ko, ititigil mo yan. Ang gusto ko lang eh mapabuti sya. Kaya awa naman ng diyos, itinigil nya ang pag iinom nya. Kung dati kaya nyang tumagal sa inuman hanggang umaga nang hindi nalalasing, ngayon hindi na. Hanggang tatlong baso nalang sya. πŸ˜‚ Minsan nagpapaalam syang uminom(hindi naman madalas) pinapayagan ko sya kapag alam kong puro lalaki mga kasama nya at may limit yung oras ng pag inom nya. Tama lang yung gnagawa mo na pagbawalan sya. Pero pagbigyan mo pa din minsan. Unti-untiin mo lang momsh, wag mo biglain. Hayaan mo syang mag sawa sa alak hanggang sa siya na ang kusang tumigil.

Magbasa pa

hindi naman un selfish tbh. you can set rules between sa inyung dalawa para walanh problema. un hubby ko umiinom din pero pinapayagan ko lang kapag high school friends/closest friends nya lang kasama nya. I trust his friends 100%, I know mabubuting tao sila and they respect our relationship pero as of now hindi na ganun umiinom si hubby kasi nenjoy nya na un buhay binata nya high school pa lang πŸ˜‚ lasingero at smoker pa toh dati (kwento nya). nagbagong buhay noon hnospital dahil ngkproblema na sya sa lungs nya noong college na siya. computer games na lang un ineenjoy niya naun in which pinapayagan ko din siya kasi vomputer games din bisyo ko at un ung hilig nmen pareho.

Magbasa pa

Tama po na pagbawalan mo siya. Hindi ka self fish. Ako kinausap ko ng maayos oo lang ng oo tapos ginagawa pa din. Nung nagsawa nako makipagusap, i acted on it. Nilayasan ko siya kasama anak ko. I was ready to let him go kung mas pipiliin niya inom at barkada. Siguro narealize niya yung mali niya and na natakot na mawala kami sa kanya dahil lang doon. Ngayon ok na. Minsan yung mga barkada niya nagpupunta dito para sa inuman pero madalang lang. My point is merong mga taong hindi nakukuha sa usapan, kailangan parealize sa kanila thru actions. I'm not saying gawin mo yung ginawa ko. You have a choice.

Magbasa pa

same tayo ng takbo ng isip basta inuman kaya ang asawa ko pag niyaya ng mga kawork like overnight swimming o birthday inuman diko pinapayagan lalo pa hindi naman manginginom asawa ko isang tagay lang namumula at nahihilo na kaya palagi ko sinasabi sa kanya na wagna sya sumama kasi mastress lang ako kakaisip habang kasama mo mga kawork mo dimo masabi pilitin ka painumin di naman sanay baka tabihan ka lang ng babae go na kasi lalaki ka..palagi ko nalang sinasabi sa kanya na mas kailangan ko siya sa bahay lalo ngayon buntis ako pero may times na pinapayagan ko naman siya pagkilala ko kasama niya..

Magbasa pa
5y ago

Yes mom nakakapraning pag sya nagiinom tas ikaw nasa bahay ano ano iniisip nkkstress,khit sbihin mo pa may tiwala k sknya. pag preggy parang kulang ka sa pansin nakakainsicure lalo pag may babae mksama sa inuman asawa mo.

okay lang momshie na pag bawalan mo sya sa pag iinom nya basta ipaliwanag mo din sa kanya kung bakit mo sya pinapaiwas sa pag iinom nya. Ako kasi ang ginagawa ko hinahayaan ko lang uminom ang asawa ko basta nag papaalam and kapag alam kong sumosobra na sya sa inom sinasabihan ko na mag pahinga naman sya at maawa sa atay nya, sa ngayon kapag iinom sya sa bahay lang kasama yung kainuman nya o madalas sya nalang mag isa, kasi kung di talaga kayang pigilan kahit kamo mag isa nalang uminom bsta nasa bahay pwede na yon, para di rin sya masakal. yun lang share ko lang.

Magbasa pa

Ganyan din po ko momshie Parehas tayo pero nagbago po siya nagsisi po ba kung aanuhin...wag niyo po istress sarili niyo pati po si baby maapektuhan....kapag po Hindi siya lasing yung nasa katinuan po siya pagusapan niyo kasi ganun po yung ginawa namin ng asawa ko Pinagusapan namin na hindi na kami buhay binata magkakaroon na kami ng anak Chaka Kung inom po kapag may okasyon na lang... kapag ayaw niya pagusapan Makakaramdam naman po siguro siya na may pagkukulang siya at samahan niyo na Lang din po na magbago siya at lagi po magiingat

Magbasa pa

Walang mali dun sis. Natural lang lang na pag bawalan mo siya kase pamilyadong tao na siya at ginusto niya rin yan na mag asawa kaya dapat tanggapin niya yung dapat at hindi na dapat. Ako ganyan ako sa hubby ko diko pinapayagan uminom kahit sobrang kakilala ko at tropa ko rin mga kaibigan niya kase ayaw ko siyang umastang binata tulad ng mga kainuman niyang wala pang asawa at anak. Papayagan ko lang siya of Ocassion like Bday, Binyag pero limited lang din yung oras naiirita kase ako kapag nakikita ko siyang lasing oh nakainom eh.

Magbasa pa

Ako hinahayaan ko siya pag sa barkada nya kase sobra laki ng respeto ng mga barkada nya saken. Kung may gawin mang katarantaduhan asawa ko baka bugbog pa abot sa mga barkada nya. Pero matino mister ko. Kahit na lasingin mo sya di papatol sa ibang babae yon. Kahit nga ako pag magkainuman kame pag nalasing sya tas lalandiin ko sya, di nya ko papatulan. Sasabihin nya lang 'kung ikaw talaga asawa ko bukas mo nalang ako landiin, lasing ako. Wala akong maaalala bukas kung may mangyari man' ganon lang sya tapos tulog na.

Magbasa pa
VIP Member

Ako din ganyan bago kami magkakilala barkada alak sya. Kaya nung bago bago kami magkasama sa bahay tapos ilang weeks na buntis palang ako lagi kaming nag aaway yung tipong nagmumura na sya sa sobrang inis at galit nya. Inintindi ko lang na baka di nya pa maiwanan buhay pagkabinata nya hanggang sa bago kami ikasal (marital sex po sorry)nagbago na sya nagpapaalam na sya at alam nya na oras ng pag uwe nya. At hindi na palagian madalang na madalang nalang talaga sya uminom ngayon. Tuwing may okasyon nalang halos.

Magbasa pa