Mali ba ako?? Ilang days or hours nalang manganganak na ako eh.. May mag fa-5 years old na akong anak panganay ko, maiiwan siya sa bahay if mag lalabor na ako. Then planado ko na lahat if saan siya ihahabilin pati damit niya naimpake ko na good for 3 f*ck*ng days if ever ganun ako katagal sa ospital.. 4 kami sa bahay, tatay nang live in partner ko (68 years old), live in partner ko, ako at yung panganay kong anak. May relative (on his motherside) yung partner ko sa kabilang brgy.Dun ko sana iiwan yung bata sa kadahilanang may 4 na kiddos dun which is pamangkin ni partner. Magka vibes kasi yung panganay ko at yung apat na bata, payag naman sila (relatives) at pati anak ko naka usap ko na na dun muna siya ..Every night naman uuwi si partner para matabihan sa pagtulog yung panganay namin then by morning balik sa ospital.. Then here comes the tatay nag partner ko, gusto niya sa kanya ko lang iiwan ang bata kesyo raw kaya naman niya..ang Disadvantage pinapalaro lang niya nang kompyuter yung bata every time iniiwan ko sa bahay .. May kapit bahay kaming 2 kids din na ka vibes din nang anak ko kaso ayaw niya papasukin sa bahay kasi raw masyadong maingay.. Then worst part pinapalabas niya na kinukuhanan ko raw siya nang karapatan sa apo niya. Kasi bat ipapabantay pa sa iba kahit nandyan naman siya.. ?? Nag init talaga ulo ko .. 3 days lang naman sa ospital bat parang ang big deal..!!! Kadugo rin naman sila nang anak ko ah!!!Di rin naman pwede na iasa namin yung bata sa kanya kasi senior citizen na.. Mas okey na nga na may iba pang relative si partner (close din sila sa akin) para di mabored yung bata pag sa bahay lang at least may kalaro siya dun..
The real thing kung bat ayaw niya na ihabilin ko doon ang bata is may personal issue sya dun .. Bat parang madadamay pa ata ako at yung bata sa issue nila!! Kakainis.. Nag suggest ako na sige sama ka nalang dun sa apo mo ganun naman gusto mo diba matutukan siya sa pagbantay . dun muna kayu mag stay sa relatives ni Partner.. At AYAW niya pa din.. Hutamida tlaga!