45 Replies
Hello po mommy, nashare ko po sa asawa ko ang problema nyo, sabi niya, ano po raw ang Vow nyo ng asawa nyo nung mag asawa na kayo? Gaya po raw ng kadalasang sumpaan, For better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health. Hindi nyo raw kailangan na sarilinin ang alalahanin na dinadala nyo.. mas mainam po raw na maging vocal po kayo sa asawa nyo. mag usap po kayo ng masinsinan. mas maiintindihan at madadamayan po kayo kapag aware po siya sa nararamdaman nyo.. mas gagaan po ang mabigat na dinadala nyo kapag nararamdaman nyo po na may karamay kayo. Asawa nyo po siya, hindi na po kayo dapat mahiya.. based din po sa nalalaman ko, ilan sa mga dahilan kaya mahirap po magbuntis, una, obesity. factor po na mahirapan magbuntis kung obese po kayo o ang asawa nyo..sinasuggest po ang pagrereduce ng timbang if ever obese po kayo. Pangalawa, STRESS O DEPRESS, nakakapagpapababa rin po ito ng chansa mabuntis. mas mainam po na magfocus po kayo sa mga blessings na natanggap nyo instead mag isip ng mga alalahanin. huwag po kayo dumistansya sa asawa nyo.. lalo lang po kayo madedepress.. pangatlo, IRREGULAR period. hindi po kayo makatyamba na mabuntis baka po hindi nyo matimingan kung kelan po kayo fertile. next, KULANG sa PAHINGA. Baka po masyado na kayong batak sa trabaho at kulang po kayo sa pahinga, mas madali pong mabuntis kung nasa mabuting kondisyon ang katawan. next, EDAD. bumababa po ang fertility rate ng babae pagtongtong ng 35. Nararamdaman ko po ang matinding kagustuhan nyo na mabiyayaan ng anak.. Just look at the bright side, hindi pa kayo buntis, may sapat pa po kayong panahon para icondition ang sarili nyo.. Maari na po kayo uminom ng vitamins like folic acid at iba pa(mas mainam po na kumunsulta po kayo sa doctor) Mommy, may anak po kayo ngayon o sa wala, pamilya po kayo ng asawa mo.. kakalimutan nyo na lang po ba ang buhay may asawa, sa kagustuhang mabiyayaan kayo ng anak? In the future, huwag nyo rin po isara ang option mag adopt. maraming bata po hindi sinuwerte at naghahanap ng kalinga ng magulang. ang pagiging pamilya po ay di lang po makikita sa pagiging magkadugo.. makikita rin po sa pagmamahal. ikapit nyo po sa dasal mommy.. Ang plano po ni God ay maging masaya ang tao.. Kung nagkakaproblema po tayo, gusto po Niya na lumapit po tayo sa kanya.. kailangan lang po natin manalig at maghintay.. Babae ka mommy, ang babae ay malakas at matapang. iiyak pero di susuko.. God bless you po..
nafeel ko to nkakarelate ako sayo. 30yrs old n kmi ng asawa ko. 3yrs na kaming kasal tas nasa 20s plang ako nag oob n ko kasi may PCOS ako... yung asawa ko low sperm count naman. nadedepress n dn ako gabi gabi umiiyak kasi ako dn panganay naunhan pko ng kapatid ko. lahi nmn ng asawa ko marami kung maganak kaya nastress talaga ko pag nkakabalita n halos taon taon may nabubuntis sa family. sa sobrang depress ko khit maganda work ko nagresign ako kasi dagdag stress sa work tsaka mas prioritized ko talaga magkababy at patanda n ko mas lalo akong mahihirapan. npapagod n dn ako magtake ng kung anu-anong gamot tsaka sundin yung nkasched na date kung kelan magintercourse. halos ayaw ko n dn tumabi sa asawa ko kasi d n ko masaya puro inggit nasa puso ko. pag may nagtatanong saken sinasabi ko nlng ayoko p mgkababy ayaw p nmin... pero kabaligtaran un ayoko lng maawa sila sken kasi after nun iiyak n ko. totoo n pag nastress k walang mangyayari. hanggang dumating ung lockdown. an saya ko kasi nkasama ko buong pamilya ko exercise kmi... healthy living kasi yung food lutong bahay dhil d k nmn mkakain sa labas tas d ko n feel n stress ako nung time n un... tsaka sinamantala naming magasawa n magpanata. yun pala start plng ng panata nmin binigay nya n samin si baby nalaman lang namin buntis ako 3months n. ngayon 7months n kong buntis. manalig k lng mgkakababy k dn. maniwala k lahat ng sinabihan kong magkakababy ngkakababy talaga hahah.
Hello po. Mam, wag kang mawalan ng pag-asa. This might be a challenge hindi lang sa sarili mo, kundi sa kung gano ka-tight ang relationship niyo ng asawa mo, mas lalong lalo na sa faith mo kay Lord. What you're feeling and going through right now, dapat pagdaanan niyo hand in hand ng asawa mo. Hayaan mong tulungan ka niyang mag cope up at tulungan mo din siya. Nagsumpaan kayong dalawa na dba 'in sickness and in health, till death do us part'.. August 2014, kabuwanan ng baby ko, and just a week before ng due date wala ng heartbeat si baby. After that, nagtry kami ng nagtry, ilang ulit akong nadelay, ilang ulit ng PT, pero laging negative. Ilang beses sumagi sa isip ko na baka di ako para magkaanak kaya din kinuha ang unang baby ko.. Nandon na din ako sa point na 'bahala na'. Pero after 6 long years, eto nabuntis ulit ako. Pareho kaming working ni Hubby, call center agent. Laging puyat, stressed, bisyo. Pero nung nagkaECQ, lagi kaming magkasama lang sa bahay, relaxed, mas nakapagbonding dahil ang oras namin sa isa't isa lang. Baka yan din ang kailangan niyo. :) May friend ako na nakapagsabi sa akin, whenever nagmemakelove kayo ng hubby mo, you should feel the moment. Kalimutan mo lahat ng worries mo and focus lang sa asawa mo, ibuhos mo ung love mo while making love with him. Yan daw ang sikreto para makabuo. I will pray for you ate. Malalampasan niyo ito. Di tayo papabayaan ni Lord. 🙏
huwag po mawalan ng pag asa sis always pray lang ky god and trust... kmi ng asawa ko ngayon mag 3 years n kmi pero paulit2x din kmi ng try pumunta pa kmi ng cebu para mag dasal n m biyayaan ng anak bago n naman sya bumalik ng barko and last n option mag paalaga s ob at dun namin nalaman n yong sperm ng hubby ko mababa at baloktot kaya hindi dw makapag sabay s sperm ko... every month pumupunta kmi s ob to check if my progress kahit gumastos kmi ng mahal s gamot go lang... at lagi kmi nagdadasal n sana m bigyan n... dec 18 2019 nagpakasal kmi n hubby then april my na post ako n isang family nangangailangan ng tulong kc hindi n kasama s sap ang daming tumulong n goods and cash napatayoan namin ng bahay s tulong ng ibang tao... at di namin n expect ng asawa ko may 2020 delay n ako sabi ko baka stress lang kc akyat baba s bundok para don s taong tinotolongan namin pero yon n pala yong sign n possitive ako delay ako ng 3 days malabo pa sabi ng ate ko hintayin m pa 2 days then after 5 days nag pt ulit ako dun ako napaiyak at naka upo lang s kama nagising asawa ko sabi nya bKit sabi ko possitive n s sobrang saya namin di n kmi natolog hanggang umaga... kaya asawa ko nlang nagpatuloy s pag hatid ng tulong s tinolongan namin s bundok hanggang natapos lahat.... 😊😊😊 kaya sis huwag mawalan ng pag asa pray lang at kusang darating yan...
Hi sis. Yang mismong depression mo ang isa sa mga major reasons kung baket hindi ka maka-conceive. Need natin ng relaxed body and mind pra maka-conceive tayo. Mas okay pa nga kung magrerest tayo from work. Then isipin mo kung ano yung tinuturo ni Lord sa iyong sitwasyon. Minsan kasi mas nakafocus tayo sa blessing kesa sa ating Blessor. If you let go and let God be God in your life, He will answer you in the least expected way. Lastly, cherish your moment with your husband. Isa yan sa mga narealize ko noong frustrated ako kasi hindi pa kame magkaanak (PCOS ako, low sperm count si Hubby). Minsan kasi sa sobrang pagka-focus natin na magkaroon ng anak, nakakalimutan natin na mas importante ang relationship natin sa asawa. Share ko sayo tong Bible verse na naging wake-up call sakin. It’s about the story of Hannah. Eto po yung time na hindi sya magka-anak “because the Lord closed her womb”. “Her husband Elkanah would say to her, “Hannah, why are you weeping? Why don’t you eat? Why are you downhearted? Don’t I mean more to you than ten sons?”” 1 Samuel 1:8 If you have time, read mo po story nya. And I remember a Pastor who prayed for me told me before, “Pray like Hannah”. God bless you and your marriage sis and may you find peace in these words. Always remember that God loves you. 🙂
nahirapan din po kami ng husband ko ... and di po tlga madali yung mapapatanung ka nalang kay lord kung anong mali at kulang sayo kase di ka niya mabigyan ng baby... but still kailangan mong maging positive at patuloy na maniwala.. napagod din ako nun momsh... nawalan din ako ng pag asa .. dami kong herbal na ininum pero wala.... nahihiya ako magsabe sa mga friends ko ng problem ko ... sempre serious matter ... but then again... hindi ko kinayang sarilinin nalang... kakailanganin at kakailanganin natin yung makakausap... and sinaggest niya yung din yung ginawa niya para magkababy siya.... nagtake siya ng pills for 3 months ... then bigla niyang tinigil... the next month nagkababy na sila.... in my case... 1 box ng pills ang naubos ko... dahil sa takot ko na baka lalong di ako mabuntis after that 1 box di nako bumili ulit .. then after 3 months... ayun ... finally nabuntis din ako ... after ng masinsinang prayers.... wishes.... dream come true.... I am now 9 weeks pregnant... hoping na biyayaan din po kayo ni God .. just believe and pray for it.... naririnig tayo ni God .. ibibigay niya yan in his time and will. ❤️❤️❤️❤️❤️❤️
sis mali na sumuko ka. xe halos karamihan stin dumaans gnyang stage ng buhay na nawawalan na gana xe feeling mo nagawa muna lahat pero wla pdin. Yes at isa ako dun, there were times na tlgang naicp na hindi na yta ako mabu2ntis. pero instead na sumuko mas naging faithful ako ky God at ibinigay nming lahat ng asawa ko sa knya. eto ung binitwan kong word ky God "Lord hindi mo man binibigay pa ung hinihiling nmin sau, pero ms magtitiwala po ako sau" yn ung pinanghwakan ko sis! sorry ahh i dont want to judge u pero ang tanong ko sau nagawa muna ba lahat ung part mo? kmi xeng mgaswa nagpaalaga tlga kmi. akala ko nga dadating ako s point na mgpapa IUI na eh.peri mabait si God,ibinigay nya ung pinakahihiling nming mgasawa sa mga panahong unexpected tlga. nagfocus ako pra sa sarili ko nung lockdown. nagexercise,inom ng nilagang luya,fertility yoga sa gabi at araw2 nagrosary kming mga asawa. aun two weeks lng o wla pa yta nadelayed nako. ngaun sis 31weeks nkong preggy! Praise and Thanks God tlga☝️🙏🥰❤..kya sis never ever give up. kung kelan ka mahina dun magiging malakas si God pra sau😇
mam just keep the faith, ako 7yrs din bago nagka anak at the age of 40yrs old.mahirap talaga umasa lalo na evry month kht delayed ako ng more than 1 week pero negative ang pt, lahat ng gamot na pampabuntis nainum ko na. may pcos, diabetes at hypertension na ako. seafarer ang partner ko kya tuwing aalis sya umiiyak kaming dalawa dhl hnd kmi nkakabuo, sa opisina nmen ako na lng ang hnd pa nabubuntis kya tuwing may nabubuntis sa mga officemates ko naiiyak ako at naaawa sa sarili ko pg nag uusap cla tungkol sa buntis at mga anak umaalis ako. nung January umalis na naman partner ko at nasabihan ko sya na kng gsto nya tlga mgka anak try nya sa sa iba, hiwalayan nya nlng ako tatanggapin ko na hnd ko na tlga kaya ibigay ang ANAK sa knya although gabi-gabi ako nagdadasal kay Lord na bgyan nya ako ng chance maging isang ina. February nalaman ko buntis ako, God is sooo Good binigay Nya ang hiling ko kaya mam mawala lahat wag lng ang tiwala at pananalig sa Dyos, lagi ko cnasabi sa sarili k darating ang araw mgging INA ako.. now i have a healthy and beautiful boy.
According to my OB hanggat may regla may pag-asa😊 consult a doctor moms baka kailangan lang ng katawan mo maiready.Im talking through my experience 6years bago ako nagbuntis 8weeks nakunan ako, after 2mons nagbuntis na naman ako then napaanak due to preeclampsia ng maaga hindi pinalad ang anak ko. Im 34 years old no living child gusto kong malaman mo may kanya kanya tayong pinagdadaanan pero hindi dahilan yun para sumuko may awa ang panginoon mommy. Ako sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko lalo na sa motherhood.My body was made to bear a child but it keeps failing me. I had my worries too na baka maulit what if i failed again pero ipinagpapasa diyos ko sana ganun ka rin laban lang a child is not just came out from the womb it can also come out from our hearts😊 sending prayer of strength for you. Wag ka magmukmok keep yourself healthy and be ready your greatest blessing is coming😇🙏 do not limit your expectations to the Lord ibibigay nya yan sayo sabi nga nila greater blessings are for those who waits.
Don't lose hope😇kahit anong mangyari, keep on praying talaga and I think this is the time na kailangan mo ng support nga hubby mo instead of being alone. You know, let me tell you. Ang tita ko, before sila nagkaanak. They spent 10 years, 10 long years of tears and disappointment kasi nahihirapan sila na magka anak, pumunta na rin sila sa doctor to check the sperm count and stuff like that. In the end, kung kelan pa na she stopped hoping kasi napa pagod na daw sya, dun sila biniyayaan ng cousin ko na super kulit talaga💓 kaya if you're going through that, don't lose hope. Don't stop trying either, kasi God is Good and maybe you're going through that process kasi alam ni God na need mo na mas ma palapit sa kanya, together with your partner instead of losing hope and choosing na mag isa. You took your vows when you married your husband with the blessing of God, so mommy, wag ka magpakalugmok.
Jhossel Salagoste Reneda