MAHIRAP BA
Mahihirapan po ba ako Sa Panganganak Dahil Sa edad Kong 17YrsOld.
May nakasabay ako sa lying in manganganak siya. From 6 am pumutok na daw water nya, nag punta siya sa lying in ng 10 am.. 4 cm na daw sya. Buong maghapon namimilipit siya kasi nag lalabor. 6 pm pinasok siya sa delivery room, kumabas baby nya past 10 na. Candidate na sya for cs. Buti napilit ng mga nagpapaanak na mailabas baby niya. Kaso ung baby niya after mailabas tinakbo sa hospital kasi hindi umiyak, nakakain na daw ng poop sa tagal nya. Pero all in all ok na sila ni baby nung kinabukasan. Pray ka lang, di kasi niya iniire un kasi di marunong.
Magbasa paHehe Hindi Po tlaga madali manganak Lalo n pag first time mo plng. Matagal Po tlga labor at masakit.. ask mo mom mo para masabhan k din Niya Ng experience Niya nung pinanganak ka ska para may makuha ka din na tips.. inalam ko din sa mom ko pano siya nanganak Ako Kasi first baby Ng mom ko 18 lng siya, Ang laki ko nung lumabas pinilit Niya inormal kahit 4kg ako kaya napunit tlga siya at dinugo kaya need salinan Ng dugo. Lakasan tlaga Ng luob... Kinaya naman. 🙂
Magbasa pasame here haha 18 years old ako and 19 hours naglabor pinauwi pa kame sa hospital kase 3cm palang ako pero paguwi namen sobrang sakit na kaya pagbalik namen 6cm nako pagkatapos hindi nako umuwi naglakad nalang ako ng naglakad sa buong hospital march 12 10pm nagactive labor nako and march 13 4:12pm tyaka ako nanganak tatlong ire lang po lakasan niyo lang po yung loob niyo and andon na yung excitment na makikita niyo na si lo niyo
Magbasa paPag teenage pregnancy considered as high risk yan. Maraming risks sayo at kay baby. Kasi ang katawan at isip mo di pa prepared yan for childbirth and rearing. Pero since nandiyan na yan, tatagan mo sarili mo. Inom ka vitamins, mag prenatal check up, tapos basa or nood ka ng mga advices sa mga mommies. Tapos pagkapanganak mo mag proteksyon para di muna masundan.
Magbasa pa17 years old rin ako ngayon then due date ko na sa may 29 tatagan mo lang sarili mo kaya mo yan, wag mong intindihin kung masakit manganak isipin mo kung pano mo mailalabas yung bata ng safe ☺️ Godbless.
depende Yan sa lakas ng loob mo. haha
Lakasan lng ng loob yan