HELLO MOMMIES

MAHAL PO BA MANGANAK SA PRIVATE HOSPITAL MGA MAGKANO PO KAYA PRICE RANGE? NG NORMAL DELIVERY AT CS? MAY PHILHEALTH PO AKO

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende po sa package ni OB mo at kung yung hospital mismo ay mahal na private. Saka expect na din na mas mahal ngayon dahil pandemic pa rin. Nung nanganak ako ng Feb.. Dito sa province private hosp.. umabot bill ko ng 125k sa akin palang yun CS mas mataas din presyo ng bikini cut kaysa classic cut sa cesarean pero nabawasan pa ng philhealth.. Iba pa bill ng baby ko na NICU ng 1week..umabot kami ng 225k total... D ko sigurado magkano normal delivery kasi una palang alam ko na CS ako.

Magbasa pa
3y ago

1st trimester Napag usapan namin ng OB ko since CS ako sa panganay ko mas ok na CS etong 2nd ko since pandemic at ang hassle that time manganak medyo mahigpit pa kasi nun di tulad ngayon 1week lang validity nun yung swabtest. Tapos suhi pa si baby from 2nd tri hanggang 36weeks naka breech si baby di umikot kaya ayun CS na talaga 37weeks ako nganak at na NICU pa dahil nagka neonatal sepsis

TapFluencer

Depende po sa hospital. Medyo pricey na po ngayong pandemic kasi ang dami pong nererequire na kailangan bago ka po manganak like swab test. Noong nanganak po ako sa OLLH sa Manila umabot po kami 150k, NSD po kasi naubusan ako panubigan. Kaya depende po talaga sa outcome ng panganganak po.

Sa Imus, Cavite around 120-150k ang CS. Nasa 50-80k nman ang NSD. Maliit lang kaltas ng Philhealth, 7k sa NSD at 19k sa CS - standard nila yan kahit saan ka. Yung mga swab test prior to admission, di yan covered ng Philhealth so kung ikaw at ung bantay ay required, another 5-7k pa yun.

sbe ni ob magready ako ng 70-80k kc bka ma cs ako, sa st. Jude hospital daw ako I cs.. pero pag mainormal sa lying in lng Nia 15k.😅 wla dn ako Phil Heath, wlang hulog since 2017 , nung nag inquire ako 11k babayaran ko ng buo.. kya wag n lng.. 😅

VIP Member

Mag ready ka/kayo ng around 50k to 125k. Expect mo na cs is quite pricey normal delivery is roughly 40 to 50k ata. discount ata is around 7k normal sa private or public hospital. Basta ready nalang kayo ng 50k to 125k.

last year cs po ako umabot ng 100k bill ko po less philhealth so mga 85k... this coming august manganganak ulit ako ... cs again.. malamang sa malamang mas mahal na ngaun po huhu

Pinag Ready po ako ng OB ko, 40K-55K Normal then 80-95K CS. Without Philhealth po yan. Wala po kasi Hulog Philhealth ko. Di ko lang po alam if Magkano if may Philhealth💙

Taga Saan ka Po mommy? Kung taga Tondo, Manila ka you can go here. Amisola Maternity Hospital. Here are the details.

Post reply image

Depende sa hospital mommy. CS ako sa Assumption Hospital nasa 100k plus ang bill minus philhealth naging 90k plus

VIP Member

usually pag private 30-35k normal delivery kaltas na philhealth don. pag cs 70k pataas